Wednesday , November 12 2025
Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PA
ni Rommel Placente

PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. Kaka-post lang ng Star Cinema na ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay pasok sa Top 10 movies sa Amerika. With $2.4-M gross at 248 sites. The movie also had the highest theater average of the weekend at $9.7K ayon ito sa Box Office Reports sa US. 

Sa Pilipinas ay tumatabo pa rin ito sa takilya na 3 araw pa lamang ay umabot na sa P245-M. Ang bukod tanging local film na kumita ng ganoon kabilis sa loob lamang ng tatlong araw. 

Ang nakalulungkot lang, kahit naman wala ng physical cd’s talamak pa rin ang pamimirata ng iba sa nasabing pelikula. Ang iba ay ibinabandera pa nga ang ilang clips na kuha sa sinehan sa kanilang mga social media accounts

Kaya naman nagbabala na ang Star Cinema at GMA7  na ire-report ang mga nagpo-post ng nasabing clips ng HLA para  mabigyan ng kaukulang parusa.

Pero kahit ganoon hindi pa rin naman naapektuhan ang kita ng pelikula.

Sa ngayon ay nasa US, Canada, at  Dubai  ang KathDen para naman sa world premiere ng kanilang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …