Wednesday , December 11 2024
Biñan Laguna

Sa reklamong katiwalian  
10-ARAW PALUGIT NG OMBUDSMAN SA BIÑAN MAYOR

PINASASAGOT ng Ombudsman sa loob ng 10 araw

si Biñan City, Laguna, Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr., kasama ang mga kasalukuyan at mga dating konsehal ng lungsod, kaugnay ng reklamong katiwalian na isinampa ng mga residente hinggil sa kontrobersiyal na ‘land reclamation project’ na sinimulan noong 2019.

Sa utos ng Deputy Ombudsman for Luzon, pinasasagot din sa reklamong paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at RA 8450, batas na lumikha sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) si Vice Mayor Angelo Alonte at mga konsehal sina Jonalina “Dada” Reyes, Jason Sousa, Alvin “Mangkok” Garcia, Flaviano “Jigcy” Pecaña, Libunero “Jedi” Alatiit, Elmario “Elmer” Dimaranan, Christopher “Toppe” Alba, Victor “Bing” Cariño, Rafael “Raffy” Cardeño, Jr., Elvis Bedia, Rommel Dicdican, at Geminiano Catalon.

Inutusan din magsumite ng kanilang sagot sina ex-councilors, Liza Cardeño, Bong Bejasa, Gener Romantigue, Jaime Salandanan, Echit Desuasido, at Rodolfo Montañez, Jr.

Sa reklamong natanggap ng Ombudsman nitong 11 Hunyo 2024, sinabi nina Ferdinand Oberos Tabsing, residente sa San Isidro Village, Bgy. Dela Paz; at Resurreccion Benite Buarao, residente sa Wawa Street, Bgy. Malaban, matinding perhuwisyo sa kanilang kabuhayan at kalusugan ang idinulot ng proyekto. Ang reklamo ay suportado ng sinumpaang salaysay ng 42 nilang mga kababayan.

Sapol anila nang masimulan ang reklamasyon dakong Abril 2019, nawalan na sila ng pagkakataon na makapagtanim at makapag-ani ng kangkong mula sa lawa na ibinebenta nila sa mga palengke. Tinatayang umabot sa 15-ektarya ng Laguna de Bay ang sinakop ng proyekto.

Bukod sa alikabok dahil sa araw-araw na pagdaan ng mga dump trucks na may lamang panambak na lupa, tumatagal anila ng higit anim na buwan ang paghupa ng baha sa Malaban at Dela Paz, dahilan upang dapuan sila ng mga karamdaman, partikular ang kanilang mga anak.

Nalaman din nila na walang permiso sa LLDA at environmental clearance certificate (ECC) mula sa DENR ang proyekto. Ayon sa reklamo, inamin ito mismo ni Dimaguila sa isa niyang mga pahayag na lumabas sa social media.

Samantala, wala pa rin paliwanag ang Biñan Police Office na naatasan ng Ombudsman na magsilbi ng utos sa kampo ni Dimaguila kung kailan ito natanggap ng alkalde.

Sinabing pormal na natanggap ni Dimaguila ang utos noong 8 Nobyembre, ngunit 14 Nobyembre umano ang isinulat nitong petsa.

Bunga nito, imbes na 18 Nobyembre ang deadline, aabot pa ng 24 Nobyembre ang pagsusumite nina Dimaguila ng kanilang sagot sa Ombudsman. (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …