Saturday , November 2 2024
Sylvia Sanchez

Sylvia gusto pa ring makita ang ama: gusto ko ng closure, buhay o patay

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya kay Boy Abunda na gusto niyang makita ulit ang ama niya na nang-iwan sa kanila, buhay man ito o patay.

Si Ibyang (tawag kay Sylvia) na ang tumayong breadwinner sa kanyang pamilya sa murang edad mula nga nang inabandona sila ng kanilang ama. 

Pagbabalik-tanaw ni Ibyang, nangibang-bansa ang kanyang ama. Noong mga unang taon ay umuuwi-uwi pa raw ito sa kanila, pero simula noong mag-grade six siya, ay hindi na ito nagpakita sa kanila.

“’Di ba alam naman natin na inabandona kami ng tatay ko, nagkaroon ako noon ng, ‘Papa, one day, one day, one day, sisikat ako.’ And sabi ko sa kanya, ‘Hahangaan mo ‘ko, papalakpakan mo ‘ko, Papa,’” sabi ni Ibyang .

Sa pagkakaalam nila ay nasa Brazil ang ama, pero hindi nila alam ang eksaktong address na kinaroroonan nito.

Ayon pa kay Ibyang, tandang-tanda pa niya na noong 1992, nang magwagi siyang Best Supporting Acress sa Metro Manila Film Festival, ay napatawad na niya ang ama sa pag-abandona sa kanila.

“’Yung pagtanggap ko ng award, ewan ko, hindi ko alam, basta bigla na lang nawala ‘yung galit. Parang ‘Papa, dahil sa ’yo kaya nakuha ko ‘to.’

“Tapos nanawagan pa nga ako noon, sabi ko gusto kong makita, mayakap ang papa ko. Hindi ko kailangan ng eskplanasyon niya bakit niya ginawa ‘yun, hindi ko kailangan ng sorry niya, isang yakap lang, Kuya Boy. Na hindi naganap,” aniya pa.

Pero bago raw maganap ang interview sa kanya ng Fast Talk with Boy Abunda, nang araw na ‘yun ay ipinadala ng tita niya mula sa Mindanao ang address ng kanyang tatay.

Kaya ngayon ay pinag-iisipan niya kung pupuntahan ang ibinigay sa kanyang address.

Closure lang, buhay, patay, kasi mayroon kasing nagsabi na buhay, maraming nakakita, may nagsabing patay.”

Nauna nga rito ay may nakapagsabi sa kanya na nakasama nito ang tatay niya at patay na raw ito. 

Walang nakakaalam ng pangalan kong taga-Manila na Jojo Campo. Kung alam mo ‘yung pangalan ko, taga-Mindanao ka, taga-amin ka,” sey pa ng aktres.

Patuloy ng aktres, “Parang sabi ko, ‘Pupuntahan ko, gusto ko lang ng closure.’ Patay o buhay, gusto ko siyang makita.

“Kung patay, gusto ko siyang makita just to say ba-bye, Papay, and I love you and thank you. Dahil sa ’yo, naging inspirasyon kita, nagpursigi talaga ako,” pagbabahagi pa ni Ibyang.

About Rommel Placente

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

Kris Aquino

Kris magpagaling muna, delikado ang maglabas-labas

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami roon sa kuwento, gusto pa raw sumama ni Kris Aquino sa …

Vilma Santos Luis Manzano

Luis matatangay ng lakas ni Ate Vi

HATAWANni Ed de Leon SI Luis Manzano ang laging kasama ngayon ni Vilma Santos sa mga kampanya. Natural iyon …