Wednesday , November 12 2025
Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PA
ni Rommel Placente

IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, na umano’y pagiging bad influence sa kanyang boyfriend na si Carlos Yulo.

Siya raw kasi ang pumipigil at humaharang sa 2-time Olympic gold medalist ng Pilipinas para makipagkita at makipag-ayos sa pamilya nito na ayon sa kanya, ay walang katotohanan.

Mariing sinabi ni Chloe na may sariling isip at disposisyon sa buhay si Caloy at ang mga desisyon ng binata sa ilang hinaharap na kontrobersiya ay hindi galing sa kanya.

Alam ko naman po ‘yung decisions po ni Caloy, sa kanya naman po nanggagaling, eh. Never ko naman po siyang sinabihang ‘Gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan,” sabi ni Chloe sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga para sa vlog nito.

Pagtatanggol pa niya sa sarili, “Lahat naman po ng nangyayari sa buhay ni Caloy, it’s all him. Even ‘yung nag-Olympics siya, ‘yung na-achieve niya, it’s all him.”

At sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore, ang sagot ni Chloe, “Para kasi sa akin, nakapag-build na rin ako ng name ko way back pa, before ko pa makilala si Caloy.

“Nagmu-music ako, nagko-content creation ako. Nagkataon lang nga po na si Caloy is national athlete tapos palagi kaming magkasama.

“Kaya nasasabihan ako na gusto ko ‘yung life ni Caloy which is mapunta rin sa akin. Not naman po, naroon lang ako to support him,” paliwanag ng dalaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …