Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak na si Bamban Mayor Alice Guo sa Indonesia na feeling artista dahil nakikipag-selfie pa sa ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na kapuna -puna rin na hindi man lamang sinasaway ni DILG Secretary Benhur Abalos at take note ha, private plane pa ang sinakyan pabalik sa Maynila.
Gastos ba ng gobyerno natin ang private plane na sinakyan? O kailangan talaga mamuhunan dahil maraming ari-arian na naka-freeze ngayon si GUO na posibleng mabawi ng gobyerno?
Gaano naman kaya katotoo na nagpadala ng feeler itong si GUO na gusto niyang sumuko kaya nalaman ang kanyang kinalalagyan sa Indonesia.
Kung totoo ito, bakit ‘di na lang kusang bumalik si Guo sa ating bansa? Nagpasundo pa! Dahil ba sa walang tatak ang kanyang passport sa kanyang biyahe dahil sa dagat dumaan ang kanyang sinakyan at hindi sa himpapawid? May drama pa si Guo na may death threat daw siya kaya napilitan siyang lumabas ng bansa.
Ngayon, isang mayor na naman ang isinasangkot na ‘di umano ay karelasyon o boyfriend ni Guo o kaya ay puwedeng partner ni Guo. Alam naman ng lahat na ang mga tauhan kapit ‘yan sa Pinoy kapag gustong mag-negosyo.
Abangan natin kung ibubulgar ni Guo ang mga taong nasa likod ng kanyang mga ilegal na gawain sa ating bansa. Tsk tsk tsk…
Parang nasasalamin ko na kung totoong may bulgaran na magaganap maraming pangalan ng ilang matataas na tao ang masasangkot.
Sa huli, lalabas na state witness pa si GUO.
Ating abangan!
CERTIFICATE OF CANDIDACY FILING
Ilang tulog na lang filing na ng certificate of candidacy (COC) na ng mga kakandidato sa lokal at nasyonal.
Kailangan maging maingat sa pagdedeklara ng kanilang SALN, baka kasi mabuko sa mga hidden wealth.
Sa television, mayroong mga paid ads sina DILG Secretary Benhur Abalos at si Camille Aguilar, anak ni Senadora Cynthia Villar at utol ni Senator Mark Villar.
Sa lokal naman, maraming babalik na dati nang nakapuwesto at marami rin ang mga matatapos na ang termino kaya ang papalit kung hindi anak, asawa.
Tanong ng mga botante, wala na bang bago? Bakit nga ba ibibigay sa iba e, ‘di sa anak o asawa na dahil mahirap maghanap ng mga supporters na inalagaan na nila.
Pero sng sigaw ng bayan: iba naman!