Wednesday , July 16 2025

13-anyos teenager patay sa sunog

082424 Hataw Frontpage

ni RODERICK PALATINO

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isang 13-anyos babaeng teenager ang namatay sa sunog sa Lipa, Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw.

               Habang sa Laguna, 24 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa sunog na naganap sa Biñan.

Sa ulat, sinabing si Meagan Aicel May Gabuna, 13, ay natutulog nang sumiklab ang sunog dakong 3:40 am.

Ayon sa kaanak ni Gabuna na si Jersey Gabuna Ortega, nagising siya sa ingay mula sa labas bago naramdaman ang usok sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Carlos.

Ani Ortega, ginising niya ang mga kamag-anak pero nakalimutan ang biktima na natutulog sa kabilang kuwarto.

Ayon sa mga Arson investigators, posibleng napabayaang kandila sa kuwarto ng biktima ang dahilan ng sunog.

Idineklarang naapula ang sunog dakong 4:50 am na umabot sa tinatayang P120,000 ang pinsala.

               Samantala, isang depektibong appliance ang pinaniniwalaang dahilan ng sunog sa Barangay Sto. Tomas, sa Biñan, Laguna.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

No Firearms No Gun

Rider ng kolong-kolong timbog sa ‘di lisensiyadong baril

ARESTADO ang isang lalaki matapos maaktuhang may sukbit na hindi lisensiyadong baril sa bayan ng …

Riding-in-tandem

Riding-in-tandem nangholdap ng restoran; 1 tiklo, kasabwat tinutugis

SA MABILIS na pagresponde ng mga awtoridad, isang holdaper ang agad na naaresto sa insidente …

Donny Pangilinan iWant app

Donny malaki ang utang na loob sa iWant

MA at PAni Rommel Placente ISA si Donny Pangilinan sa celebrities na sumuporta sa launching ng all-new iWant app kamakailan …

dogs

Sa Tarlac
Japinoy timbog sa illegal dog fighting

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang lalaki dahil sa pagsasagawa ng ilegal na dog fighting …

Online Sexual Exploitation of Children OSEC

Sa Pulilan, Bulacan
4 menor-de-edad nasagip sa online child abuse

NAILIGTAS ng mga awtoridad ang apat na menor-de-edad sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan …