Tuesday , October 8 2024
Parak ng PNP PDEG, bodegero timbog sa 990 KG ng shabu

Parak ng PNP PDEG, bodegero timbog sa 990 KG ng shabu

NASAKOTE sa isang follow-up hot pursuit operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) at Manila Police District (MPD) ang intelligence officer ng kanilang yunit, itinuturo ngayong isa sa malaking ‘source’ ng malawakang kalakaran ng droga sa Metro Manila.

Ayon sa ulat, dakong 2:30 am, hindi nakapalag si P/MSgt. Rodolfo Mayo, 48 anyos, miyembro ng PNP DEG NCR Special Operations Unit (SOU), lulan ng sinasakyang Mitsubishi Montero, may plakang WIW 994, nang harangin ng kanyang mga kabarong operatiba ng PNP DEG katuwang ang mga tauhan ni MPD Sta. Cruz Station (MPD PS 3) commander P/Lt. Col. Ramon Czar Solas at Plaza Miranda PCP chief, P/Capt. Roel Robles sa ibabaw ng Quezon (Quiapo) Bridge sa Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

Nakompiska sa suspek ang halos dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000,  isang 9MM Beretta, at mga passbook ng iba’t ibang bank accounts.

Nag-ugat ang pag-aresto kay Mayo sa unang buy bust operation ng PNP DEG SOU-4A dakong 4:40 pm nang madiskubre ang tila bodega ng mga droga sa pagkakaaresto sa isang Rey Atadero, alyas Mario, sa Jose Abad Santos Ave., Brgy 252, Sta. Cruz, Maynila, na ang harapan ay may front signage na ‘WPD Lending Inc.’

Sa naturang ‘lending office’  nadiskubre ang kilo-kilong shabu at iba’t ibang mga dokumento na nagtuturo kay P/MSgt. Mayo bilang kasabwat na source ng malawakang bentahan ng droga sa NCR at karatig na probinsiya.

Base sa press conference nina Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., C/PNP General Rodolfo Azurin, Jr., at PDEG Director P/BGen. Narciso Domingo, na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City, aabot sa mahigit 990 kilo ng shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

P6.7B Dangerous Drugs value.

Ayon kay Abalas, aabot na sa tone-tonelada at halos P6.7 bilyong halaga ng droga ang nasabat ng awtoridad sa tatlong buwang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra operasyon ng ilegal na droga.

Kaugnay nito, pinuri at pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pulisya, partikular ang PNP DEG at MPD, sa pagkakatimbog sa mahigit 990 kilo ng shabu sa isang araw na anti-drug operation sa lungsod. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …

Arvin Lulu Mommy Lerms Lerma Lulu skin care online sellers

Sa Pampanga
SIKAT NA ONLINE SELLERS TINAMBANGAN PATAY

HINDI nakaligtas sa kamatayanang mag-asawang kilalang online skin care sellers nang pagbabarilin sa bayan ng …

100724 Hataw Frontpage

Para muling ‘irespeto’
Ex-PRRD PINAYOHANG TUMAKBO SA SENADO

ni NIÑO ACLAN NANINIWALA si dating presidential adviser, Salvador Panelo na ‘maliit ang tingin’ ng …

dead gun

Sa Sariaya, Quezon
2 LALAKI TUMIMBUWANG SA BOGA

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki na pinaniniwalaang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek habang nakatayo …

Gun Fire

Hepe ng CDO police todas sa riding-in-tandem

PATAY ang hepe ng Cagayan de Oro CPO Station 2 nang barilin ng mga suspek …