Wednesday , December 4 2024
Nang-agaw pa ng motorsiklo TANDEM NA NOTORYUS HOLDAPER SA ENTERTAINMENT CITY ARESTADO

Nang-agaw pa ng motorsiklo!  
TANDEM NA NOTORYUS HOLDAPER SA ENTERTAINMENT CITY ARESTADO!

NATULDUKAN ang talamak na iligal at mapamerwisyong aktibidad ng dalawang kilabot na holdaper makaraang masakote ng mga rumorondang pulis sa Seaside Drive Brgy Tambo Parañaque City.

Ayon sa ulat na nakarating kay Southern Police District(SPD) Director PBGen Bernard Yang, Nakilala ang dalawang suspek na sina alyas Jepoy 33 anyos residente sa Bitunggol Norzagaray Bulacan; at si alyas Popoy 31 anyos residente sa Brgy Victoria Reyes Dasmariñas Cavite, kapwa miyembro ng kilabot na Sputnik Gang.

Pasado alas-4 ng umaga nang madakip ng Parañaque City Police ang magka-kosang suspek makaraang holdapin at sapilitang inagawan ng motorsiklo ang mag-asawang biktima habang bumabagtas sa kahabaan ng Macapagal Ave Parañaque.

Salaysay ng dalawang biktima, Pauwi na sila sa kanilang tahanan nang bigla silang harangin ng tatlong armadong lalaki na lulan nng motorsiklo. Tinutukan anila sila ng mga suspek kasabay ng pagtangay sa kanilang pera, wallet at gadgets.

Nang malimas ang mag-asawang biktima ay hinatak pa sila papalayo ng kanilang motorsiklo at dito na sumakay ang mga suspek na sina alyas Popoy at Jepoy.

Kasunod nito, Napansin ng nagpapatrolyang tauhan ni Parañaque City Chief of Police PCol Melvin Montante ang komosyon partikular na ang umiiyak na babaeng biktima kayat agad rumesponde ang kapulisan sa insidente.

Dito na mabilis na umaksyon ang mga tauhan ni Montante partikular na ang patrolling team ng Tambo Sub Station 2 sa pangunguna ni PMajor Ivan Soriano.

Agad naispatan ang mga suspek na lulan ng tinangay na motorsiklo habang  tila nagiikot at naghahanap pa ng kasunod na biktima sa area ng Aseana Entertainment City sa naturang lungsod.

Nang aktong papalapit na ang mobile patrolling team ni PMaj Soriano ay mabilis na umiktad at umarangkada papalayo ang nga suspek na lulan ng motorsiklo subalit nasukol rin malapit sa isang sikat na hotel and casino sa nabanggit na lugar.

Kinordonan at agar pinarapa ng mobile patrollers nina Montante at Soriano ang dalawang suspek kung saan nang maaresto ay nahulihan pa ng ibat-ibang kontrabando.

Nakumpiska sa dalawa ang isang bloke ng Marijuana na tinatayang may timbang na isang kilo nagkakahalaga ng P120,000.00; ilang pakete na naglalaman ng shabu na may timbang na higit sa 10 gramo na may standard drug proce na P68,000.00.

Nasabat pa sa mga suspek ang isang kalibre .9mm; .38 kalibre baril, bala at isang granada.

Batay sa imbestigasyon, Ikinanta ng dalawang suspek ang kanilang iligal na aktibidad partikular na ang kanilang modus na panghoholdap na naganap kamakailan sa Aseana Entertainment City.

Napagalaman pa ng pulisya na ang dalawang suspek ay sangkot rin sa grupong responsable sa robbery holdap sa ilang convenience store sa ibat-ibang  lugar sa Metro Manila gayunrin sa karatig na probinsya partikular na sa Cavite at Bulacan.

Sa record checking na ikinasa ng investigation team ni PCol Montante ay kanila pang nabatid na mayrron rin outstanding warrant of arrest ang mga suspek sa kasong Robbery at Estaffa na hindi kanila namang kinumpirma nang tanungin ng pulisya.

Kabilang sa isa sa naging dati nang kaso ng suspek na si Jepoy ay Estafa na lumalakad rin aniya na budol sa mga pampublikong lugar sa Cavite.

Maliban sa dalawang warrant of arrest ay nahaharap ang dalawang suspek sa mga kasong paglabag sa Robbery Hold-up, RA 10883, RA 9165f Sec. 11, RA10591, at RA 9516.

Kapwa nakadetine sa nasabing prisinto ang dalawang notoryus na holdaper at agaw motorsiklo.

Samantala, Pinuri ni PCol Montante ang mga kapulisan ng Tambo Sub Station 2 sa pangunguna ni PMaj Soriano sa kanilang masiagasog na pagpapatrolya kontra kriminaldiad na nagresulta sa agarang aksyon at pagkaaresto sa mga suspek.

“The successful arrest is a result of our intensified patrolling and genuine police presence innline with the guidance of Southern Police District Director PBGen Yang, I commend the men and women of our Police Station for their relentless effort in crime prevention and performing well in maintaining peace and order in Parañaque City, Makakaaasa po kayo na mas lalo namin sisipagan at pagiibayuhin ang pagpapatrolya sa kalsada dahil dito sa ating lungsod, Ang Gusto ng Pulis Ligtas ka!” Pagtatapos na pahayag ni Montante. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …