





PINANGUNAHAN nina Velza Global Group Chief Executive Officer at Global Director Ajit Narapareddy (kaliwa) at Tonino Lamborghini General Manager Paolo Zannoni ang seremonyal na sama-samang pakikipagkamayan (handshakes) sa isang press conference sa Parañaque City kahapon, Martes, 4 Agosto 2026. Ipinagmamalaki ng pagsasanib ang kanilang eksklusibong partnership para sa pagbubukas ng Tonino Lamborghini Rosso Caffé sa Filipinas, bilang hudyat ng pagpasok ng brand sa coffee lifestyle segment ng bansa. Kasunod ng partnership para sa Tonino Lamborghini Energy drinks sa Filipinas at India, lalo pang pinagtitibay ng bagong kasunduan ang alyansa ng Velza Global at Tonino Lamborghini — mula sa mga luxury beverage patungo sa isang kompletong Italian coffee lifestyle sa Filipinas. (EJ DREW)
