Maricel galit pa rin kay Ronnie Rickets?
MUKHANG galit pa rin si Maricel Soriano sa dating live- in partner niyang si Ronnie Rickets huh!
Sa isang panayam, may binanggit sa kanyang pangalan ng male celebrities at sasabihin niya kung fake diamond o natural diamond.
‘Pag fake diamond ang sagot niya, ibig sabihin ay hindi niya ito naging boyfriend. At kung natural diamond naman, ibig sabihin ay nakerelasyon iyon.
Unang binanggit na pangalan ang dating ka-loveteam niya noong 80s na si William Martinez. Ang sagot njya ay fake diamond.
So loveteam lang pala sila ni William noon? Ang pagkakaalam namin at ng lahat ng kanilang mga fan noon, ay naging sila.
Pangalawang binanggit ay si Gabby Concepcion, na naging leading man niya sa Pepe and Pilar. Fake diamond pa rin ang sagot ni Maricel.
Noong pangalan na ni Randy Santiago ang binanggit, ang sagot niya, “Natural.5 carats.”
Si Cesar Montano ay natural diamond din ang sagot ni Maricel. Hindi naman daw ibig sabihin na naging sila. Sa rami raw kasi ng mga proyektong ginawa nila noon na gumanap sila bilang mag-asawa, maiko-consider niya na rin niya na parang mag-asawa na sila ng action star.
Eto na, noong pangalan na ni Ronnie ang binanggit, ang sabi ni Maricel, “Wala ‘yun. Walang ganoon. Ituloy mo.”
Halatang ayaw sagutin ni Maricel kung natural o fake diamond. Alam naman ng publiko na naging sila ni Ronnie kaya ang sagot niya dapat ay natural diamond.
Siguro nga ay hindi pa rin sila in good terms ni Ronnie hanggang ngayon kahit matagal na silang hiwalay, kaya ayaw niya nang maalala pa na nakarelasyon niya ito.