Giselle tanggal saplot sa mga tatawang audience
HARD TALK
ni Pilar Mateo
IBA nga umatake ng mga proyekto niya si Direk Nijel De Mesa.
Isang gabi, nag-imbita siya ng ilang press para magkaroon ng private viewing and review na rin para mag-ambag ng mga suhestiyon sa plano nilang paggawa ng stand-up comedy ng actress cum comedienne na si Giselle Sanchez. Na madalas ding mag-moonlight as a host and a singer sa sari-saring events.
Cute ang naisip nina Giselle at Direk NDM sa palabas na ipatitikim nila sa nga kaibigang press.
Pitong patong pala ang mga kasuotan nito. At sa bawat bagsak ng pagpapatawa, sa.sandaling may matawa eh magbabawas siya ng saplot sa katawan.
Walang takot. Fearless. Sa mga gags na binitawan niya si Giselle. Kumbaga no holds-barred.
Nakapili na pala ng titulo si Direk NDM sa dadalhin nilang stand-up comedy ni Giselle sa Nagoya, Japan. Bad Example!
Ang mga kababayan natin at mga partner nilang Hapon at pamilya ang makikipagsaya.
Sa September 20, 2026 ay bubulabugin ng tinaguriang “Siren Star of Stand Up” ang Higashibetsuin Kaikan Hall sa Land of the Rising Sun, 5:00 p.m. at may free admission sa NDM Plus Platinum members.
Brand new materials ang matutunghayan sa palabas. At itinuturing na biggest stand-up comefy special yet.
Lagi naman nga raw ayon kay Giselle na, Pressure ang ganitong performance. Kasi live ang audience. And you need to have a connect with each and every one. Kaya gaya ng ginawa natin ngayon, may participation ang lahat. Na alam naman nating nami-miss nila sa mga performance or shows na napanood na nila before sa comedy clubs or sing-along bars.
Ang award-winning filmmaker na si Nijel de Mesa ang magdidirehe at magpo-produce ng special.
Ang nasa produksyon ay ang powerhouse comedy writers’ room, ang Bubble Gang veterans na sina Henry Maceda at Ferdie Aguas, kasama sina Patrick Alcantara at Jarvin Pastor ng Pencil Box, na nangangako sa mga manonood ng nonstop barrage of laughs.
Kilala for her fearless observations, quick wit, and unforgettable punchlines si Giselle.
Kaya all-new comedy experience that celebrates Filipino humor while connecting with audiences abroad ang bibitbitin niya sa Nagoya.
Para sa mga katanungan para sa mga kababayan nila na nais itong mapanood, contact Artist Orbista at 080-3669-2696.
Kung ito ang Bad Example na ibabalandra ni Giselle sa bansang Hapon, ito naman malamang ang funniest mistake they will ever witness!
Saan umabot ang tanggal-saplot ni Giselle sa walang katapusan naming pagtatawanan? Sa dulo. Kaya nag-suggest na kami ng gagawin niya sa ending!