Andrew E ‘di kayang impluwensiyahan ng mga bagong rapper
HARD TALK
ni Pilar Mateo
SIYA ang puso ng Icon at kinikilalang Hari ng Rap ngayon na si Andrew E.
Si Mylene Yap Espiritu.
Sa 26 taon nilang pagsasama ng kanyang partner sa buhay, may assistant man o staff si Mylene ang nag-aasikaao sa mga araw ng show o gigs ni AE here and abroad, siya ang nakakaalam ng lahat.
Hindi naman mahirap na maging manager ng kanyang masipag na asawa. Ang mahalaga sa kanila ay ang pag-uusap o komunikasyon.
Panay ang dating ng mga parangal kay AE. Isa na roon ang iginawad ng PMPC Star Awards for Music sa kanya.
At hindi naman nauubusan ng panahon ang Hari na patuloy na gumawa ng mga rap. Lalo at iba na ang panahon. Na mabilis na ang mga nangyayari lalo sa mundo ng teknolohiya.
Isinabay sa paglulunsad ng kanyang single na Pasta ang inihanda na ring sorpresa ni Mylene na birthday party para sa kabiyak.
Kaya ang nagsidalo ay ang mga inaalagaan din nila sa kanilang produksiyon.
Na nagsilbi na ring Thanksgiving ng mag-asawa para sa mga supporter.
Inabangan ang paghagupit ng bagong rap ni AE.
Na kilala naman sa pagsasama o pagdadagdag ng mga salitang angkop lang sa mga mas may edad na.
Pero wise si AE. Sa ipinarining para sa katuwaan ng lahat sa nasabing event, may mga naughty line sa nasabing rap.
Pero sa worldwide release nito, malinis at sweet ang lines ng naughty pa rin ang dating.
Kaya malaki ang paniwala ni AE na sinususugan naman ni Mylene na hindi mawawala sa mapa ng rap ang mga nagpupursige pa ring talents na makilala sa larangang ito.
Kaya, hindi nagpapahawa sa mga bagong sibol na rappers si AE. Dahil alam niya na bawat isa ay may sarili niyang estilo. At kapag napakinggan na nila para mai-rekord na sa kanilang produksiyon, doon pa lang papasok si AE para kilatisin ito.
Kaya kapag tumugtog na ang rap ni AE, alam mong siya ‘yun at kanya lang ‘yun.
Masasabi ngang magaling na manager ang ina rin ng tatlong bagets nila na si Mylene.
Bago ang birthday salubong na may launch ng Pasta, naka-segue pa ito ng bakasyon para madalaw ang kanyang inang si Mommy Mila sa Boracay. Kaya nakapag-relax at bonding ang buong pamilya!
And this month (August 23, 2026) , they’re doing the California, USA shows with Jawtee of Salbakuta, Budz, Proy of Underdogs Rap Duo, and freestyle champion na si Sixth Threat. Sa BAL Theater ito sa San Leandro.
After which their fans from Down Under and Canada will have an exciting experience with his rappin’.
Can Canada be far behind? Siyempre mayroon din siya.
Listen na and have your Pasta and eat it, too in your favorite music platforms!