Friday , February 14 2025
Mary Jane Veloso

Sa Indonesia
EXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE HIRIT NG FM JR., ADMIN 

HINILING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang executive clemency para kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa nakalipas na 12 taon bunsod ng kasong drug trafficking noong 2010.

Nakipagpulong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta, Indonesia noong Linggo sa sidelines ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“Foreign Minister Marsudi said she would consult the Ministry of Justice on the matter,” anang DFA sa isang kalatas kahapon.

Nabatid, mula nang madakip si Veloso noong 2010 ay pinagkakalooban siya ng consular assistance.

Hinatulan ng parusang kamatayan si Veloso noong Oktubre 2010 at noong Abril 2015 ay pinigil ang pagbitay sa kanya.

Ayon sa DFA, ang Philippine Embassy sa Jakarta ay kinuha ang serbisyo ng isang Indonesian law firm para magsilbing legal counsel ni Veloso alinsunod sa mga umiiral na batas sa Indonesia.

“Maayos ang kalagayang pangkalusugan ni Veloso sa Wonosari Women’s Penitentiary sa Yogyakarta,” anang DFA. (ROSE NOVENARIO)     

About Rose Novenario

Check Also

Dead Road Accident

Nasagasaan ng truck matapos mabunggo ng MPV Laborer patay sa Antipolo

NAMATAY noon din ang isang 35-anyos construction worker matapos mabangga ng isang multi-purpose vehicle (MPV) …

marijuana

2.25 kilo ng damo kompiskado, 2 suspek nakasibat

TINATAYANG mahigit sa dalawang kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nakompiska ng mga awtoridad sa …

Bigas NBI Bocaue Bulacan

‘Modus’ sa Bocaue bistado ng NBI  
IMBAK NA LUMANG BIGAS PLUS HALONG VARIETY AT PABANGONG PANDAN EQUALS PREMIUM RICE

ni MICKA BAUTISTA NADISKUBRE ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang bodega sa Bocaue, …

Sa Bulacan Makeshift drug den binuwag ng PDEA

Sa Bulacan  
Makeshift drug den binuwag ng PDEA

WINASAK ng mga operatiba ng PDEA Bulacan Provincial Office ang isang makeshift drug den na …

MMDA Taguig Baha Basura

MMDA ipinagkaloob sa Taguig trap, kagamitan bilang paghahanda sa baha, basura

OPISYAL na ipinagkaloob ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay ng mga trap o bitag …