Wednesday , December 6 2023
shabu

Mag-utol na tulak tiklo P20,000 shabu nasabat

ARESTADO ang magkapatid na suspek habang nasamsam mula sa kanila ang P20,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang anti-illegal drugs buy bust operation ng mga awtoridad nitong Linggo ng gabi, 21 Agosto, sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna.

Kinilala ni P/Col. Cecilio Ison, Jr., ang mga suspek na sina Jake Bustamante, 27 anyos, walang trabaho; at Ivan Bustamante, 26 anyos, warehouseman, kapwa residente sa Brgy. Parian, sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng Calamba CPS, dinakip ang mga suspek dakong 9:41 pm kamakalawa sa Villa Carpio, sa naturang barangay, kaugnay ng ikinasang buy bust operation ng pulisya.

Nakompiska mula sa mga suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu, may timbang na tatlong gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P20,400; isang pirasong playing card case; drug money; at buy bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CPS ang mga naarestong suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang isusumite ang mga nasamsam na ebidensiya sa Regional Crime Laboratory Office 4A para sa forensic examination.

Ayon sa ulat, kilala ang mga naarestong suspek na pinagmulan ng shabu sa Brgy. Parian at mga kalapit na Barangay.

Pahayag ni P/Col. Ison, “Hinihimok ko ang mga tao na aktibong lumahok sa ating kampanya laban sa ilegal na droga upang mailigtas ang kanilang mga pamilya sa mga krimen na maaaring gawin ng mga drug personalities.”

Ani P/BGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., “Pinupuri ko ang Calamba CPS para sa operasyong ito. Patuloy nating paigtingin ang ating anti-illegal drug operations para makontrol ang paglaganap ng mga mapanganib na droga sa ating area of ​​responsibility.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

SMFI urban gardening 1

From adversity to abundance: The triumph of mothers in urban gardening

Some of the KSK farmers tend their urban garden in Sto. Cristo Elementary School The …

Gladys Reyes Kathryn Bernardo

Gladys gustong masampolan ng sampal si Kathryn: Para siyang si Judy Ann 

MASARAP talagang kausap si Gladys Reyes na kung gaano kataray at nakatatakot sa pelikula o telebisyon, kabaligtaran …

duterte china Philippines

PMP: Destabilisasyon, alyansang Duterte-Tsina

BINATIKOS ng Partidong Mangaggawang Pilipino (PMP) ang destabilization plot na pinaniniwalaang instigasyon sa kampo ng …

120423 Hataw Frontpage

Pagbomba sa MSU gym inako ng Islamic group

HATAW News Team INAKO ng Islamic State militants ang repsonsibilidad sa pagpapasabog sa gymnasium habang …

120423 Hataw Frontpage

Meralco, may P150-B utang na refund sa consumers

TAHASANG sinabi ng dating commissioner ng Energy Regulatory Commission (ERC) na may P150 bilyong utang …