Saturday , November 8 2025
Jane de Leon Darna

Sa paglipad ni Darna sa Agosto 15
JANE KINAKABAHAN AT EXCITED

MA at PA
ni Rommel Placente

FINALLY, sa August 15 ay mapapanood na sa Kapamilya channel A2Z at TV5 ang bagong action/fantaserye ng ABS-CBN na Darna, na bida si Jane de Leon

Sa grand media conference ng Darna, tinanong si Jane kung anong feeling na lilipad na sa telebisyon si Darna? Sagot niya, “Sobrang nakaka-overwhelm, kinakabahan po ako pero excited ako.  And ito na po ‘yung pagkakataon namin para ipakita sa buong mundo ‘yung pinaghirapan ng production, lahat ng cast, mapa-staff and  directors.”

Patuloy niya, “And siyempre, matagal na po itong hinintay ng sambayanang Filipino. And marami po kayong aabangan pagdating sa stunts, sa costume, sa mga villain, at sa bagong story ng Darna.”

Si Darna ay kilala bilang maraming natutulungan. In real life, sino ang naging Darna sa buhay niya?

“Ang naging Darna po sa buhay ko ay ‘yung mga magulang ko po, si mama at si papa. Kasi simula po noong una, hindi naman po talaga kami ganoon kayaman at lumaki po ako sa hirap. Nakita ko po ‘yung sakripisyo ng mga magulang ko kung paano niya pinalaki ‘yung kanilang mga anak.”

Sa rami ng nag-audition para makuha ang role na Darna, si Jane ang napili. Kaya siyempre, masayang-masaya siya. Pero never siyang nagyabang o naging mayabang, na sa kanya ipinagkatiwala ang iconic role.

“Una po talaga sa lahat, lagi ko po talagang nire-remind ‘yung sarili ko na huwag na huwag po talagang lalaki ‘yung ulo ko. Dapat po talaga stay humble lang kasi nire-remind ko po ‘yung sarili ko kung saan ba talaga ako galing, kung ano ‘yung pinagdaanan ko.

“And for me, gagampanan ko lang naman ‘yung isang role basta ‘yun nga po stay humble at ipagpatuloy ko lang kung ano ang kailangan kong gawin.”

Puring-puri ng management ng ABS-CBN si Jane, dahil wala itong angal sa lahat ng ipinagagawa sa kanya. At ang reaction ni Jane, “Thank you po sa good words na sinasabi nila sa akin. And wala rin naman pong mangyayari kung magku-complain ako, so might as well, gawin ko na lang po, o ibigay ang the best ko sa bawat eksena ko sa Darna.”

Ang Darna ay mula sa direksiyon nina Chito Rono, Avel Sungpongco, at Benedict Mique. Bukod kay Jane, kasama sa cast sina Joshua Garcia, Janella Salvador bilang si Valentina, Zaijan Jaranilla bilang si Ding, LA Santos, Young JV, Iza Calzado, Rio Locin, Jeffrey Santos, Eric Fructuoso at marami pang iba.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …

Marianne Bermundo

Marianne Bermundo espesyal ang debut, focus sa studies at career

BATA pa lang nang nakilala si Marianne Bermundo bilang beautyqueen-model. Ngayon ay ganap na siyang dalaga …

Leah Navarro Richard Reynoso Gino Padilla OPM Then and Now

Leah, Richard at Gino, tampok sa “OPM: Then & Now” sa Music Museum sa Nov. 6

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SPECIAL guests ang mga premyadong mang-aawit na sina Leah Navarro, Richard Reynoso, …

Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEXni Jun Nardo WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges …

Anjo Yllana Tito Sotto

Tito Sotto deadma sa pagngawngaw ni Anjo

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY lang sina Tito, Vic and Joey sa everyday nilang ginagawa sa Eat Bulaga kahit ngumangawngaw si Anjo Yllana sa …