Friday , March 31 2023
jeepney

P5 dagdag pasahe hirit ng transport group

UMAASA ang isang transport group na magkaroon ng ‘sense of urgency’ ang pamahalaan at papayagan ang hirit na P5 (limang pisong) dagdag sa minimum fare na kanilang inihain noon pang Enero 2022.

Sa panayam sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi, nanawagan si Mar Valbuena,  pangulo ng transport group na MANIBELA, sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprobahan ang hinihingi nilang P5 pisong dagdag sa minimum fare dahil wala nang kinikita ang mga jeepney driver bunsod ng walang humpay na oil price hike.

“Ang pinakahinihingi po natin, sana katorse pesos pero kahit dose pesos po malaking bagay na po samin dahil sa isang roundtrip makapagkakagarga na po kami ng dagdag na isang litro,” aniya.

Paliwanag ni Valbuena, noon pang 2019 ipinatupad ang siyam na pisong minimum fare na ang halaga ng isang litrong diesel ay P36 – 37 pa lamang.

Ngayon aniyang mahigit P80 kada litro ang presyo ng diesel o mahigit doble sa halaga noong 2018, nararapat lamang na madagdagan ang pasahe.

“Alam namin na nahihirapan din po ang ating mga mananakay. Mas mahirap kung ‘di kami makabibiyahe at ‘di po kami makapaghahatid ng serbisyo sa kanila kung kulang ang ikinakargang diesel talagang titigil kami,” sabi ni Valbuena.

“Marami po sating mga kasamahan ang nag-file ng increase talaga na didinggin po ito sa… nasa en banc na po ‘yung P5 pesos na increase na hinihingi natin e hehearingan daw po sa June 28 pa. Dapat naman po magkaroon po sana ng sense of urgency, hindi naman po tayo nag-uutos sa kanila, nakikisuyo po tayo, nakikiusap tayo na sana po sa mas lalong madaling panahon magawa po natin ito kasi ‘di natin alam baka next week tataas na naman po ito,” aniya.

Humihingi ng paumanhin si Valbuena sa mga pasahero kung sa kasalukuyan ay kulang ang mga bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil marami ang itinigil ang pagpasada dahil wala naman halos kinikita sa taas ng presyo ng diesel.

Unfair competition aniya ang programang Libreng Sakay ng pamahalaan dahil malaki ang natatapyas sa kita ng mga tsuper lalo na’t ang mga ruta nito’y sa mga lugar na may bumibiyaheng pampublikong sasakyan.

“Ang pakiusap po talaga namin, mapag-aralan po ‘yung mga pinaglalagyan ng libreng sakay. Sana doon sa marami talagang pasahero na kakaunti ang byahe o wala talagang biyahe sa lugar na ‘yun, doon na lang ilagay kasi kung magkakaroon ng parehong sasakyan, papasukin natin ‘yung isang ruta na mayroon nang bumibiyahe, papatayin naman natin yung mga bumibiyahe doon, saan po sila pupulutin?”

“Ang mahirap po roon, unfair competition kasi libreng sakay ‘yung kabila,” wika ni Valbuena. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …