Saturday , March 25 2023
Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard Somes.

Ang pandemya ang nag-udyok sa kanya para mapagtripan ang istoryang bubuno sa kaisipan ng mga manonood.

Sa journey ng filmmaker na si Andre (portrayed by Zanjoe Marudo) at ng book author at poet na si Lira Alipata (Kylie Versoza). Nag-krus ang landas nila sa matulaing lugar ng Sagada. Where heaven meets earth.

Malalim in the sense na ang struggle ng mga artists at pinaghuhugutan ng mga Musa sa buhay nila ay nagsalubungan at nagsalimbayan.

Sari-sari ang magiging interpretasyon ng manonood, lalo na sa naging ending ng pelikula. 

Hindi maiwawaksi ang sexy scenes na sinalangan ni Zanjoe, not just with Kylie but former sexy star Lara Morena and one of Jojo Veloso‘s ace find, Cara Gonzales (as Ingrid).

Nailabas ni Direk Somes ang gusto niyang ipahiwatig sa kanyang pelikula.  Ang dinaanang depresyon sa panahon ng pandemya ay nagkaroon ng resulta sa Ikaw Lang Ang Mahal.

Lumabas naman sa mga karakter ng kanyang mga artista ang pag-express sa inasahan sa kanila. 

Ang sabi, ito ‘yung panahon na dumaraan sa madilim na parte ng relasyon niya kay Jake Cuenca si Kylie. Pero ayon kay Kylie, ang laki ng suportang nagawa ng aktor sa kanya para maitawid niya ang katauhan ni Lira.

At ngayong malaya na siya, tinutukso na nga sila ni Zanjoe sa isa’t isa. Na bagay sila!

Sa baguhang si Cara, maganda ang registration ng mukha nito sa big screen talaga. At sa papel niya bilang Ingrid, tumimo sa isip ng tao ito. Hindi bumitiw sa karakter niya ang babaeng film director pero pokpok ang dating sa paghahanap ng makakapitan para sa magiging inspirasyon niya.

Check ang pelikula sa mga shots. At sa production design. Na ang ilang obra pang ginamit ay mga ipininta mismo ni direk Richard. 

Nabusog kami sa paglabas-masok ng mga musika. At nang ginamit as theme song. 

Overall, dapat maintindihan ng viewers na hindi ipinu-push sa pelikula ang trahedya sa ending nito. 

Ang taas at lalim ng mga bundok sa Sagada eh, pumantay sa lalim ng mga pinaghugutang pagkatao ng mga karakter.

Ano ba itong pelikulang pinanood ko? Maiintindihan ito ng mga artist sa sentimyentong ipinahayag ni Direk. Magugustuhan ito ng mga manonood sa ikabubusog ng mga masasaksihang eksena. Siguradong tatabo rin ito para pumasok sa Top 10 ng Vivamax simula sa Mayo 20, 2022.

Para sa mga nagmamahal, nagmahal, nawalan. The pleasure. The pain! 

Manood na kayo!

About Pilar Mateo

Check Also

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

TV5 HD

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

MAS malinaw at mas pina-intense pa ang panonood ng mga Kapatid viewer ng kanilang mga …

Tito Sotto Alden Richards Maine Mendoza

Tito, Maine, Alden matitirang host ng EB, Direk Louie, talent manager pasok din

MA at PAni Rommel Placente PINAG-USAPAN sa online show namin na Marisol Academy Tsika Tonite, hosted …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Ashley Ortega Xian Lim

Ashley guwapong-guwapo kay Xian

RATED Rni Rommel Gonzales FIRST time magkapareha sa isang TV project, ang Hearts On Ice ng GMA, sina Ashley …