Thursday , March 30 2023
Frankie Pangilinan

Frankie mas type ang Pinoy na makarelasyon

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA NEW York, US of A pala nananahan ngayon ang doon nag-aaral na panganay nina Senator Kiko Pangilinan at Megastar Sharon Cuneta.

Natulikap siya ng Over A Glass Or Two para sa isang tsikahan with hosts Jessy Daing and JCas.

Ang daming naibahagi ni Kakie sa tsikahan na ‘yon tungkol sa buhay niya. 

Nagsusulat. Naka-15 novels na siya. At gumagawa rin ng mga kanta. Ang una nga raw niyang naisulat ay sa panahong heartbroken siya. Na muli lang pinakinggan nang maka-move on na siya. Sa isang upuan, kung ilang sunod-sunod na piesa ‘yun ha! 20 ba?

Novels. Novelette. About the Alternate Universe. At nakatutuwa. Handwritten! She loves fiction. At dumating man ang pagkakataong maisalin ito sa pelikula, sa big screen man o sa iba’t ibang platforms, kailangan eh Pinoy team ang gagawa nito.

Wala munang boyfriend. Ayaw muna niya. Pero pagdating niya sa lyebo 30, dapat naman mayroon na siyang pinapangarap niyang fat baby.

She’s only 21.

Pero kung may manliligaw na at magiging karelasyon siya, Pinoy pa rin ang pipiliin niya.

Uuwi siya sa last stage ng kampanya dahil boboto siya.

Dual citizenship ba ang nakatatak sa pasaporte niya? Hindi. Bilang pagmamahal sa Inang Bayan.

‘Yun ang gusto ng Mama niya. Pero big no-no kay Daddy niya.

Huwag magulat ang mga tao kung sa pagsasalita niya eh, mapansin na tila may dumi siya lagi sa ngipin niya. Kumbaga sa tattoo, gems (purple) ‘yun na naisipan niya lang na ipalagay.

Ngayon nga lang siya medyo naging conscious sa sarili bilang,  “I was not liking myself when I was younger. There were things that frightened me. Kaya, I had my own world  bata pa lang ako. 

Living alone, Kakie cooks and does all the chores. She has only five friends. Who don’t care kung sino siya.  She’s very much a home body.”

Gulat ang hosts sa rami na pala ng nagagawa ng anak ni Mega. If they could only pick her brains. Ang Sharon with a twist na isang genius. 

At habang nasa kainitan at kasayahn ang tsikahan, biglang may lumitaw na Mar Gaspar sa thread.

Pucha! Dami niyong ige-guest, ‘yan pa napili niyo. Nasira tuloy ang araw ko.”

Walang pumansin sa nagkomento. Nawala na lang ito. 

Nakalusot!

If she will be given the chance nga, mas gusto ni Kakie na sa ibang bansa magtrabaho.

I will work abroad to feel safe at home (Philippines). No more room for healthy growth at home. So vile. Uuwi pa rin ako. But kung work sa ibang lugar ako if not here in N. Y. I’ll be a teacher siguro after college. I used to read Dad’s Law books when I was 14. That’s an entire education in those boxes. Law interests me. But Politics is not for me.”

Natutuwa si Kakie kapag lumabas ang araw kung nasaan siya. Pero ngayong pa-spring na, malamig pa rin ang panahon sa parteng ‘yun ng mundo. 

About Pilar Mateo

Check Also

Mystica Stanley Villanueva

Mystica sobra-sobra ang pagdadalamhati, anak pumanaw

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG malungkot ngayon ang novelty singer na si Mystica. Pagkatapos kasing …

Klea Pineda

Klea kaya pang makipaglampungan sa lalaki kahit umaming gay

COOL JOE!ni Joe Barrameda FINALLY, nag-come out na si Klea Pineda bilang miyembro ng LBGQT community. Maganda …

Jane de Leon Angel Aquino

Jane hanga sa tapang, talento, at ugali ni Angel Aquino

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ni Darla Sauler kay Jane de Leon sa Kumu, tinanong ng una ang …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco sa relasyon nila ni Cristine — mas masarap na private lang, walang nakiki-usyoso

MA at PAni Rommel Placente MADALAS makita na magkasama sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.  Kamakailan ay nakita …

Kokoy de Santos

Sa naranasang hirap sa buhay
KOKOY PAMILYA MUNA ANG INUUNA

I-FLEXni Jun Nardo HIRAP din noon sa buhay ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos noong panahong hindi …