Friday , June 2 2023
Bike Wheel

Tirador ng bike, pegols sa Vale

BUGBOG AT BUKOL sa mukha ang inabot ng isang lalaki nang abutan ng taong bayan na nagresponde nang tangayin ang isang bisekleta sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Rodolfo Diaz, 33 anyos, residente sa Barangay Pandayan, Marilao, Bulacan.

Batay sa ulat P/SMSgt. Roberto Santillan, dakong 3:30 pm nang tangayin ng suspek ang bisekleta habang nakaparada sa tapat ng isang barbershop sa I. Fernando St., Brgy, Malanday ng nasabing lungsod.

Salaysay ng 17-anyos estudyante, may-ari ng mountain bike na nagkakahalaga P13,000, ipinarada niya ang bike sa harap ng barbershop.

Pagpasok niya sa loob ng barbershop ay nakatingin lamang siya sa labas habang hinihintay na maisalang siya ng barbero.

Dito ay tiyempong sumalakay ang magnanakaw dahilan upang kanilang habulin.

“Hinabol po no’ng may ari ‘yung tumangay ng bike n’ya nang makita n’ya, habang humihingi po s’ya ng tulong sa mga tao,” sabi ng isang nakakita sa pagnanakaw ng suspek.

Minalas si Diaz, dahil inabutan ng mga istambay na gumulpi sa kanya kaya puro bukol ang inabot bago isinuko sa awtoridad.

Nakunan si Diaz ng isang kitchen knife dahilan upang maharap sa mga kasong paglabag sa Theft at violation of BP 6 in relation to Comelec Resolution No. 10728 (Prohibits from carrying firearms or deadly weapons during election period) ang nakatakdang isampang kaso laban sa suspek. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …