HARD TALK!
ni Pilar Mateo
MAY gumawa ng tanong o survey sa Facebook at malamang sa iba pang social media pages kung dapat bang ibalik sa paaralan ang pagtuturo ng GMRC o Good Manners and Right Conduct.
Abe, eh sumagot naman ako ng bonggang-bonggang oo at dapat naman talaga.
Nang ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Padre Burgos sa Altura, Sta. Mesa, Maynila, na naging kaklase at kaibigan ko ang star noon sa Ang Kaibigan Kong Sto. Niño at marami pang pelikula na si Regina Alati-it o Gina Alajar, ‘yan ang unang subject namin pagpasok sa umaga.
Riyan ka nahahasa na magkuwento. Kasi ibabahagi mo ang magagandang bagay na ginawa mo sa bahay kasama ang pamilya, ang mga natutuhan mo, kung may nagawa kang hindi tama at ano ang naging pangaral sa ‘yo.
Ewan kung sinong alipores kasi ang nagtanggal ng subject na iyon. Although, kahit naman mawala ‘yun sa curricula ng eskuwelahan, ang GMRC naman ay sa tahanan talaga nagsisimula. Dahil dito mo natututunan kung paano maging isang mabuting tao hanggang sa lumaki ka.
Isa sa nakatsikahan ko tungkol dito ay ang nagpapa-acting workshop sa Kapamilya na si Direk Rahyan Carlos.
At sabi ko nga sa kanya, noon pa man nai-suggest ko na sa mga nagpapa-workshop na bago ang mga basic na ‘yan sa pag-arte, isama muna ang realidad ng buhay na pagiging mabuting tao ng magkaklase.
Na dapat nasa curiculum din sa workshop muna ang GMRC, aminin natin daming mga bastos na baguhan ngayon sa showbiz. At bukod pa roon, isama muna na isalang para malaman nila kung sino ang mga nakakasama nila sa trabaho na madalas lang nilang daan-daanan sa set, sa History of Philippine Movies. Para hindi rin sila engot na ‘di nila kilala kung sino ang mga beterano at beteranang sumusuporta pa mandin sa kanila.
Maraming may pinag-aralan pero salat nga sa GMRC sa mga ‘yan.
Agree na agree kami ni Direk Rahyan sa aming mga pinagtsikahan!
Said he, “Salamat Ate sa palaging pagsuporta Naku ate numero uno sa akin ang Ethics, paguugali, as simple as courtesy- saying thank you or good morning. Or any greeting napakaimportante! hindi mo dapat dinadaanan na lang ang mga veteranong artista bumati ka sa lahat etcetera because in the long run you would like to be treated the same.
“Kasi it shows how you were raised up, tsaka mga Pilipino po tayo likas at kultura na natin ang pagiging magalang po with po and opo. Though sa time lang ako hindi Pilipino. japanese at american time po ako ate if its 7am call time 6am nandun na ako. kaya sa workshop ko ever since Ate bawal ang late, pet peeve ko yan kilala nila ako, if your one minute late you’re out of the room or wait to be sitted kesehodang sino pa ang manager o o anak ka ng may-ari ng network. I’m after the discipline of stewardship of time, dahil dadalhin mo ‘yang habit na yan sa trabaho, it will represent who you are, your parents, your manager, your network and your race
“Tumpak Ate Pilar! Naku Ate priority ko yan sa mga star magic artists at sa lahat ng tinuturuan ko at winoworkshop! Ethics for Actors! Unahin muna ang pagiging mahusay at mabuting tao at susunod na ang pagiging mahusay na artista. Kapag madamot kang tao madamot ka ding artista, kung mapagbigay kang tao mapagbigay ka ding artista
“Iagree ate with you! pabor na pabor ako! yana ng dapat na hindi alisin and or values education lumaki tayo na meron po niyan.”
O, ‘di ba?
Agee na agree!