TINURUKAN ng CoVid-19 vaccine ang ilang grupo ng mga Fernandinong may kapansanan o persons with disability (PWDs), itinuturing na kabilang sa most vulnerable sector sa pagdiriwang ng 43rd National Disability Prevention and Rehabilitation Week na ginanap nitong Sabado, 17 Hulyo, sa Heroes Hall, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.
Personal na pinamahalaan ang bakunahan ng City Health Office kaantabay ang City Social Welfare and Development Office at City Persons With Disability Affairs Office.
May layuning itaguyod at panatilihing malusog upang patatagin ang ekonomiya ng mga may kapansanang mamamayan ng lungsod.
Namahagi rin ang pamahalaang lungsod ng San Fernando ng hygiene kits, wheelchair, saklay, walker at iba pang pangangailangang gabay ng mga PWD. (RAUL SUSCANO)