Sunday , March 26 2023

Resolusyong parangal kay Hidilyn Diaz isinulong sa Senado

AGARANG naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Senate Majority Leader Fraklin Drilon at Senador Richard Gordon bilang pagbibigay karangalan at pagkilala kay Hidilyn Diaz sa kanyang tagumpay na masungkit ang gintong medalya sa Tokyo Olympics sa Japan, nitong Lunes.

Nakapaloob sa magkahiwalay na resolusyon ng dalawang senador ang pagkilala sa kontribusyon ni Diaz para sa karangalan ng bansa, hindi lamang sa sports kundi maging sa international community.

Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pagpupugay at pagbati sa tagumpay ni Diaz sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, senators Sonny Angara, Christopher Lawrence “Bong” Go, Panfilo “Ping” Lacson, Francis “Tol” Tolentino, at Joel Villanueva, Leila de Lima, Pia Cayetano, at Imee Marcos.

Sinabi ng mga senador, hindi matatawaran ang kontribusyon ni Diaz sa bansa dahil sa loob ng maraming dekada, ngayon lamang pumailanlang ang Lupang Hinirang, ibig sabihin ay pagkakamit ng unang gintong medalya ng Filipinas sa Olimpiada.

Tinukoy ng mga senador, ang pagsisikap at katapangan, kakayahan, at determinasyon na ipinamalas ni Diaz para makamit ang gintong medalya.

Idinagdag ng mga senador, tunay na inpirasyon si Diaz sa bawat Filipino lalo na’t ngayon ay nahaharap sa hamon ng pandemya ang buong bansa.

Inaasahang sa pagbabalik sa bansa ni Diaz ay pormal na iaabot ng mga senador ang resolusyon ng pagkilala.

Kaugnay nito isinusulong nina  Zubiri, Angara, at Tolentino ang pagkakaroon ng Philippine Senate Medal of Honor award bilang pagkilala sa mga atleta, uniformed personnel, scientists at exceptional individuals o initutusyon sa kanilang extraordinary service at hindi matatawarang kontribusyon sa ating bansa.

Tinukoy ng tatlong senador na magdudulot ito ng bagong pag-asa sa bawat mamamayang Filipino para lalong magpursiging magtagumpay sa adhikain para sa karangalan ng bansa. (NIÑO ACLAN)

About Hataw Tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply