Sunday , March 26 2023

Natalong Olympic boxer, tainga ng kalaban tinangkang kagatin

Napikon marahil sa kanyang pagkatao, tinangkang kagatin ng Moroccan boxer na si Youness Baalla (nakapula) ang tainga ng katunggaling mula sa New Zealand sa kanilang heavyweight bout sa Kokugikan Arena sa Tokyo nitong nakaraang Martes. (Larawan mula sa AAP/Steve McArthur)

TOKYO, JAPAN — Tunay ngang minsa’y may kakaiba at nakamamanghang kaganapan sa Olimpiada.

Nitong nakaraang Martes, muntik matapyasan ang tainga ng New Zealand boxer na si David Nyika nang bigla siyang kagatin ng kanyang katunggaling nagmula sa Morocco sa kanilang heavyweight bout sa Ryōgoku Sumo Hall o Kokugikan Arena sa Yokoami neighborhood ng Sumida sa Tokyo. 

Sa simula pa lang ng laban, hindi nahirapan si Nyika sa pagtungo niya sa 5-0 unanimous decision na panalo kontra kay Youness Baalla ng Rabat, Morocco sa kanyang Olympics heavyweight debut — dangan nga lang ay muntik na siyang makagat ng kalaban.

Isang two-time Commonwealth Games gold medalist, napanalunan ni Nyika ang unang dalawang round at talagang nahirapan si Baalla dahil sa sunod-sunod na jab ng New Zealander sa kanilang paghaharap sa arenang itinuturing na spiritual home ng sumo wrestling.

Na-harass marahil sa mga jab ng Kiwi, mukhang napikon ang 22-anyos na si Baalla kaya tinangka niyang kagatin ang tainga ng kanyang kalaban sa round three. Masuwerte lang na napaatras si Nyika kaya hindi tuluyang nakagat.

Matapos ang laban, nagtanong si Nyika: “Did you see that?”

Idinagdag niya na hindi napansin ng referee ang ginawa ni Baalla kahit siya ang pinakamalapit sa kanilang dalawa.

“He (Baalla) probably tasted a lot of sweat. He didn’t get a full mouthful. Luckily he had his mouth guard in and I was a bit sweaty. I don’t remember what I said to him but I gave him a little bit of a cheek. I have been bitten once on the chest before at the Gold Coast Commonwealth Games. But c’mon man, this is the Olympics,” natatawang sinabi ng nagwagi.

Ini-replay sa ilang television channel ang pangyayari at agad na ipinaalala ng mga commentator ang ginawang pangangagat ni Mike Tyson sa tainga ng dating  American world champion na si Evander Hollyfield noong 1997. (Kinalap ni TRACY CABRERA)

About Hataw Tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply