Buntot nabahag sa China #DuterteTraydor, trending sa Twitter
NAG-TRENDING sa Twitter ang #DuterteTraydor kahapon nang aminin ni Pangulong Rodrigo Duterte na umiiwas siyang makipagdigmaan sa China kahit nakaistambay ang sasakyang pandagat ng mga Tsino sa teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS).
“I’m stating it for the record. We do not want war with China. China is a good friend. Mayroon tayong utang na loob na marami pati ‘yung bakuna natin. So China, let it be known, is a good friend and we don’t want trouble with them especially war,” sabi ni Pangulong Duterte sa Talk to the People kamakalawa ng gabi.
Sa isang kalatas ay inihayag ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na mas kailangan at dapat hilingin ng mga Pinoy sa isang presidente na unahin ang kapakanan ng mga Filipino at nakahandang ipaglaban ang soberanya ng bansa.
“Filipinos deserve, and should demand, a President who loves Filipinos first and foremost and who will uncompromisingly defend Philippine sovereignty and sovereign rights in the West Philippine Sea.”
Ang pahayag ni Carpio ay bilang tugon sa pagbatikos sa kanya ni Pangulong Duterte kasunod ng paggiit niya na dapat panagutin ng Filipinas ang China sa pang-aagaw sa teritoryo ng bansa sa WPS at pananatili roon ng mga barko ng Tsino.
Katuwiran ng Pangulo, minana niya ang problema sa WPS mula sa administrasyong Aquino at kahit sina Carpio at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ay walang nagawa nang agawin ng China ang Scarborough Shoal. (ROSE NOVENARIO)