Wednesday , June 3 2026
Kamakailan ay nagsagawa ang French Rubis-class nuclear attack submarine na Émeraude ng ‘freedom of navigation’ passage sa South China Sea para hamunin ng French navy ang presensiya ng Chinese military sa rehiyon. Makikita sa larawan ang mga tripulanteng Pranses habang lulan ng Floreal-class frigate na Venemiaire.

France hahamunin ang Chinese military sa South China Sea

TOULON, FRANCE — Kasunod ng sinasabing ‘show-of-force ng Amerikanong barco de guerra sa South China Sea, plano rin ng Pransya na paigitingin ang kanilang military presence sa nasabing rehiyon sa pagbalangkas ng dalawang paglalakbay ng kanilang mga naval warship sa pinag-aagawang karagatan na maituturing na pagsuporta sa panawagan ni United States president Joseph Biden sa G7 at European Union (EU) na magkaisa sa paghamon sa tinuturing na ‘expansionist’ foreign policies ng China sa Asya.

Sa opisyal na pahayag, inianunsiyo ng French navy na nilisan ng kanilang amphibious assault ship na Tonnere at frigate na Surcouf ang home port sa Toulon para bumiyahe patungong dagat Pasipiko sa isang tatlong-buwang misyon na maaaring ituring na muling pagkatig sa ‘freedom of navigation’ policy na ipinapatupad sa pinakamalaking karagatan ng mundo.

Napaulat sa website na Naval News na ang mga nasabing barko ay tatawid sa South China Sea nang dalawang beses at makikibahagi rin sa pinagbuklod na military exercise ng Japanese at US naval forces sa buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Sinabi ni Capt. Arnaud Tranchant, commanding officer ng Tonnerre, sa panayam ng Naval News, ng French navy ay ‘palalawigin’ ang partnership US, Japan, India at Australia — na kung tawagin ay Quad.

Nang tanungin ukol sa planong dumaan ng Taiwan Strait, sumagot si Tranchant na hindi pa niya natitiyak kung saan sila bibiyahe para sa kanilang misyon.

Sinabi ni Fu Kuncheng, dean ng South China Sea Institute sa Xiamen University, sadyang ‘nakaaalarma’ para sa China ang pagpapatrolya at military exercise na isinasagawa sa rehiyon ng South China Sea.

“It’s clear that the US hopes to combine with its North Atlantic Treaty Organization (NATO) allies to show off their muscles in the South China Sea with exercises and so-called freedom of navigation (operations),” punto ni Fu.

“When these countries advocate freedom of navigation, China should send warships to accompany them. But if they enter the territorial waters claimed by China, we must protest in accordance with the United Nations Convention on the Law of the Sea,” aniya.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …