Thursday , May 26 2022
MMFF Parade of Stars

Fluvial Parade of Stars ng MMFF isasagawa sa Disyembre 19

MAKATI CITY, METRO MANILA (Disyembre 13, 2021) — Salamat sa gumandang sitwasyon sa Kalakhang Maynila at pagbaba ng bilang ng mga kaso ng CoVid-19, itutuloy ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kauna-unahang Fluvial Parade of Stars na isasagawa sa Pasig River para markahan ang pagbabalik ng festival ngayong taon kasunod ng pagbubukas muli ng mga sinehan at pagpapaluwag ng mga quarantine restrictions sa Kamaynilaan.

Sa opisyal na pahayag, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF concurrent chairman Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr., ang fluvial parade na itinakda sa 19 Disyembre ay magkakaroon ng mga ferry boat na magsisilbing floats na magdadala sa mga kalahok na celebrity ng mga pambatong movie entry sa film festival ngayong taon.

Inilinaw ni Abalos, ang fluvial parade ang humalili sa tradisyonal na motorcade upang maging maayos at kontrolado ang bilang ng mga taong nais makapanood ng aktibidad bilang highlight ng MMFF sa pagbabalik nito sa ilang mga sinehan sa Kamaynilaan sa panahon ng Kapaskuhan.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” wika ng dating alkalde ng lungsod ng Mandaluyong.

“Through this fluvial parade, we hope to encourage the public to ride the ferry service which sails from Pinagbuhatan in Pasig to Intramuros in Manila. This alternative transportation is traffic-free and you’ll get to appreciate the beauty of the river and the arts along the riverbanks,” dagdag nito.

Sa ruta ng parade, magsisimula ito sa Guadalupe Ferry Station sa lungsod ng Makati at dederetso pasilangan sa C-5 Bagong Ilog Bridge. Mula rito, babalik ito at titigil sa bahagi ng Pasig City saka dederetso sa Makati Circuit na endpoint o hantungan ng aktibidad.

Pinayohan ni Abalos ang mga motorista na isang lane lamang ng J.P. Rizal St., mula sa Guadalupe Ferry Station hanggang sa University of Makati ang gagamitin bilang drop-off point para sa kalahok at bisita ng MMFF habang ang mga motorista ay hindi papayagang pumarada sa alinmang bahagi ng kalsada na gagamitin sa kabuuan ng parada. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Pilar Pilapil Alice Dixson Sanya Lopez Gabby Concepcion

Pilar Pilapil at Alice Dixson ‘di naisip maging first lady 

RATED Rni Rommel Gonzales PAREHONG beauty queens at parehong nasa cast ng First Lady ng GMA sina Pilar Pilapil at Alice Dixson kaya …

Sheryl Cruz rams david kuya germs

Sheryl loyal sa ACTMS dahil kay Kuya Germs

RATED Rni Rommel Gonzales SAMPUNG taon na si Sheryl Cruz sa pangangalaga ng Artist Circle Talent Management Services ni Rams …

Ryza Cenon

Ryza natutulala sa pagiging ina

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Ryza Cenon ang hirap ng pagiging first …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Marian sa friendship nila ni Rhea Tan: May kontrata kami for life! 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga PINATATAG na ng panahon ang pagkakaibigan nina Marian Rivera Dantes at Beautederm CEO …

Carl Balita Judy Ann Santos Marvin Agustin Kris Aquino James Reid

TAGUMPAY nina Juday, Marvin, Kris, at James sa negosyo ibubuking ni  Dr Carl 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio CHAMPION nang maituturing si Dr Carl Balita pagdating sa pagnenegosyo. Bakit naman …