Sunday , July 20 2025
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Kalusugan ni Digong ayos lang — Sen. Bong

WALANG dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni senator Christopher “Bong” Go na so far ay maayos ang kalusugan nila ng Pangulo.

Mula aniya nang sumailalim sila sa COVID-19 test, wala namang nararanasang ano mang sintomas ng sakit ang Pangulo tulad ng sipon, ubo, lagnat o pananakit ng lalamunan.

Gayonman, inamin ng senador na siya ay may sipon.

Hindi aniya ito dapat ikabahala dahil kaya naman ng kaniyang katawan at wala namang nararanasang iba pang sintomas.

Ayon kay Go, gusto sana niyang mag-basketball ngunit mahigpit  ang pagpapatupad ng social distancing  kaya bawal muna ang may makalaro.

Sina Pangulong Duterte at Go ay parehong  night persons o sa gabi gising at aktibo at ang pahinga ng pangulo pangkaraniwan ay sa umaga.

 (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nursing Home Senior CItizen

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng …

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *