Saturday , July 19 2025

P49.3-M Manila Muslim Cemetery ordinance, aprub kay Yorme

APROBADO kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Ordinance No. 8608 na magsasakatuparan sa pagtatayo ng Manila Muslim Cemetery.

Pormal na nilagdaan ni Mayor Isko ang city ordinance at naglaan ang Manila City Council ng P49.3 milyon para sa development ng sementeryo na itatayo sa Manila South Cemetery.

Napagalaman na kabilang sa proyekto ang pagpapatayo ng Cultural Hall, gayondin ang paglikha ng plantilla items para sa pagtanggap ng mga personnel sa bagong Muslim Cemetery Division.

Nabatid na 2,400 sq meters ang lupang sasakupin ng Manila Muslim Cemetery upang magsilbing exclusive ground para sa paglilibing at paglilipat ng mga labi ng mga yumaong Muslim.

“It is hereby declared the policy of the city government of Manila to confer recognition to the Muslim community in Manila with their inherent cultural attributes and customary traditions, especially in terms of caring for the remains of their departed, by defining a burial ground in the South Cemetery and a special body intended to manage [it],” saad sa ordinansa.

Ang Manila Health Department ang mamahala sa buong operasyon ng Manila Muslim Cemetery.

Ayon kay Isko, kanyang nilagdaan ang ordinansa bilang pagkilala sa cultural attributes at customary traditions ng Muslim community sa Maynila.

“Ito ay tanda ng ating paggalang sa kasaysayan ng ating minamahal na lungsod na noon ay pinamumunuan ng ating mga kapatid na Muslim, mga Rajah, mga Sultan,” ani Mayor Isko.

Lubos ang pasasalamat ng Alkalde sa bumubuo ng konseho na pinangungunahan ni Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan dahil sa kapakipakinabang na ordinansang ipinapasa para sa mga Manileño.

Kasama ni Mayor Isko sina VM Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Second District Councilor Darwin “Awi” Sia at mga miyembro ng Manila City Council sa paglagda sa nasabing ordinansa. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *