Friday , October 4 2024

Lascañas journal peke — Palasyo (Isinulat ng FLAG lawyer?)

030617_FRONT
PEKE ang journal ni retired PO3 Arturo Lascañas, nagdetalye ng umano’y mga krimeng ginawa ng kinabibilangan niyang Davao Death Squad (DDS), sa pagmamando raw ni noo’y Davao City Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang text message sa Palace reporters, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ang hindi pagpresenta nang sinasabing journal ni Lascañas nang una siyang humarap sa pagdinig sa Senado noong Oktubre 2016, ay patunay na ngayon lang ito naimbento ng kampo ng retiradong pulis.

“As I have previously stated the so-called journal is a fabrication. The fact alone that it not presented at the first opportunity is already a give-away that it is an obvious and a no-brainer after-thought,” ani Panelo.

Masyado aniyang halata na ang nakasaad sa journal ni Lascañas ay isinulat ng isang abogado na mahilig sa literary prose, at hindi ng isang pangkaraniwang sarhento, na walang muwang sa kahulugan ng mga salitang nakalagay roon gaya ng “Waterloo,” “presidential derby,” “telecommunication” at “Divine Trap.”

Sa kanyang pitak sa pahayagang The Manila Times kamakailan, hinimay ni dating Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, ang inilathala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na umano’y  tatlong pahina sa 70-pages, na sulat-kamay na journal ni Lascañas.

Binatikos ni Tiglao ang pagpapagamit ng PCIJ sa pangkat nina Sens. Leila de Lima at Antonio Trillanes IV.

Kapuna-punta aniya na hindi si Lascañas ang nagsulat ng journal, sa katuwiran na ang isang ordinaryong pulis, sa buong panahon ng kanyang serbisyo ay bodyguard daw ang papel, ay hindi bihasa sa paggamit ng mga nakasulat doon gaya ng “waterloo,” “presidential derby,” “telecommunication,”  “Marcos regime” at “Divine Trap.”

“Mayor RRD’s entry into the Presidential derby 2016 could be a Divine Trap. It could lead him to his political Waterloo,” ayon sa journal ni Lascañas.

Hinala ni Tiglao, ang may-akda ng journal ni Lascañas ay isa sa mga abogado niya mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG), na mga aktibista noong panahon ng batas militar at sanay sa mga naturang termino.

Binigyan-diin ni Tiglao, ang estilong hulugan o installment basis nang paglalabas ng Lascañas journal ay maaaring pakana nina Sens. Leila de Lima at Antonio Trillanes IV, at ang modus ay tulad ng propaganda style ng diktador na si Adolf Hitler na “The Big Lie,” ang paulit-ulit na marinig ng publiko ang kasinungalingan ay ituturing nang katotohanan.

“The PCIJ says only three pages were shown to it out of 70 pages. Why would Lascañas do that? So that it won’t be just a one-day story. Because by releasing the fake document on an installment basis, Trillanes or De Lima hope that, in Hitlerian fashion, the repetition of the lie for many days would make it seem true,” ani Tiglao.

Malaki ang tsansa na si De Lima aniya ang utak ng pekeng Lascañas journal dahil ang isa sa mga abogado ni Lascañas mula sa FLAG na si Atty. Jose Manuel Diokno, ay isa sa board members ng PCIJ.

“Or perhaps the hoax’s brains is really Senator Leila de Lima, considering that one PCIJ board member is Jose Manuel Diokno—yes, one of her lawyers whose legal services for her aren’t certainly pro bono, although he and two colleagues have portrayed themselves as Free Legal Assistance Group attorneys helping a persecuted person, just like during the martial law days,” dagdag ni Tiglao.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *