Saturday , September 23 2023

Marcos, 22 pa sumalang sa PI sa DoJ (Sa pagpatay kay Mayor Espinosa)

122116-marcos-police-pnp
DUMALO sa preliminary investigation ng DoJ ang mga miyembro ng CIDG-8 at Maritime Police, sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos, kinasuhan ng NBI ng multiple murder at perjury kaugnay sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at kapwa niya inmate na si Raul Yap. (BONG SON)

BINIGYAN ng panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) ang respondents sa pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa nang hanggang 23 Enero 2017 para magsumite ng kanilang kontra-salaysay.

Una rito,  sumalang  sa  preliminary  investigation  ng  panel of prosecutors ng DoJ ang mga miyembro ng Criminal Inveatigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8) at Maritime Police na kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng multiple murder at perjury kaugnay sa pagpatay kay Espinosa at kapwa niya inmate na si Raul Yap.

Ngunit napag-alamang 14 sa inireklamong  mga  pulis  ay  wala pang  mga  abogado  kaya’t  hindi  sila makapagsumite ng counter affidavit.

Dumalo sa pagdinig ang dating hepe ng CIDG-8 na si Supt. Marvin  Marcos,  ang pulis na nakabaril at nakapatay mismo kay  Mayor Espinosa na si C/Insp. Leo Laraga, at 21 pulis na sangkot  din  sa  operasyon.

Hindi  nakadalo  sa  pagdinig si Paul Olendan na ginamit ng CIDG na testigo para makakuha ng search warrant sa korte.

Sinabing  AWOL na sa serbisyo si PO2 Neil Patrimonio Sentino.

Hindi sumipot sa pagdinig ang  ang  mga  kinatawan  ng NBI  na  tumatayong complainant  sa  kaso.

Makaraan ang pagdinig, mahigpit  na  binantayan ng mga awtoridad  ang  mga inireklamo pulis  pabalik  sa Camp Crame.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *