Thursday , June 4 2026

Vendor pinukpok sa ulo ng drug pusher

SUGATAN ang isang babaeng vendor nang pukpukin sa ulo ng isang lalaking hinihinalang drug pusher makaraan

pagbintangang police informer sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Nancy Campollo, 46, residente ng 26 Magsaysay Street kanto ng Sampaloc Street, Tondo.

Samantala, nakatakas ang suspek na si alyas Muslim, residente ng Perla Street, Tondo, at sinasabing sangkot sa illegal drug activities sa lugar.

Batay sa ulat ni Supt. Redentor Ulsano, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 1 (Raxabago), nagtalo ang dalawa makaraan akusahan ng suspek ang biktima bilang informer ng mga pulis.

Dakong 2:15 pm kamakalawa, habang paalis ng kanilang bahay ang biktima ay biglang pinukpok ng suspek sa ulo ng matigas na bagay at pagkaraan ay tumakas.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …