Tuesday , October 3 2023

Endo dedo kay Digong (Hanggang 2017 na lang)

071516_FRONT
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III, tapusin na sa 2017 ang pagsasamantala ng mga kapitalista sa mga uring manggagawa sa pamamagitan nang pagtuldok sa umiiral na ENDO o end of contract scheme o labor-only-contracting.

Sinabi ni Bello, galit na galit ang Pangulo sa ENDO kaya’t sa pinakahuling cabinet meeting ay muling ipinaalala sa kanya na wakasan na ito.

Ang ENDO ay isang iskema nang paglabag sa Labor Code na ang manggagawa ay tinatanggal ng kanyang employer kapag umabot na sa limang buwan ang paninilbihan sa kompanya upang makaiwas sa pagbibigay ng mga benepisyo kapag umabot na sila sa anim buwan na pagtatrabaho.

Ani Bello hanggang katapusan ng 2016 ay tiyak na malaking porsiyento na ng mga kaso ng ENDO ang mawawala at sa susunod na taon, wala nang magiging biktima ng ENDO.

Ang sino mang magpatupad pa rin ng ENDO ay papatawan ng parusang pagkansela sa ‘certificate of registration’ ng kompanya.

Habang ang obrerong nabiktima ng ENDO ay magiging regular employee at ipagkakaloob sa kanya ang lahat ng benepisyong dapat niyang matanggap.

Samantala, pupunta si Bello ngayon sa Saudi Arabia  para saklolohan ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil nagsara o nalugi ang mga pinagtatrabahuhan bunsod nang patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ilang opisyal ang makakasama ni Bello sa biyahe kasama si bagong TESDA Director General Atty. Guilling Mamondiong na aniya’y kabigan ni King Salman, hari ng Saudi Arabia.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *