Sunday , October 1 2023

Imbestigasyon sa ‘drug killings’ sinopla ni Ping

071416 ping lacson
KAPIHAN SA MANILA BAY. Mahigpit na tinutulan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang sinabi niyang ‘premature’ na pagpapatawag ng imbestigasyon ni Senadora Leila De Lima sa Senado sa aniya’y nagaganap na ‘drug killings’ sa bansa mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte. ( BONG SON )

MASYADO pang maaga para magpatawag ng imbestigasyon ang Senado, sa sinasabing ‘drug killings’ na kamakailan ay iminungkahing isulong ni Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, hilaw o premature ang isinusulong na imbestigasyon ni De Lima dahil walang sapat na datos ukol dito.

Ipinaliwanag ito ni Lacson sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Malate, Maynila, kahapon.

“It’s premature for the Senate to talk about summoning the (Chief PNP) and investigating the police for supposed summary killings when, as it appear at least for the moment, it’s merely based on conjectures and suspicions and without sufficient basis,” punto ng senador.

“Unless there’s at least a testimony under oath that summary executions were indeed committed in the course of the police anti-drug operations, I’m afraid we will just embark on a fishing expedition,” dagdag ng Senador.

Binigyang-pansin ni Lacson ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida na maaaring balewalain ng pulisya ang congressional inquiries ukol sa drug killings.

“I think it’s even more premature for Solgen to advise the CPNP (chief PNP) to ignore the Senate’s summons if and when such investigation in aid of legislation is conducted. Wala pa ‘yung actual na pinag-uusapan, pinag-aawayan na,” aniya.

Una rito, sinabi ni De Lima na mayroong ‘telltale signs’ o mga senyales na may ilang suspek na inaresto ng mga awtoridad na biktima ng summary execution.

“Nakadududa ‘yung explanation na nanlaban, nang-agaw…” ani De Lima.

Binalewala ni De Lima ang sinasabi ng Solicitor General na kailangan maghain muna ng reklamo para magsagawa ang Senado ng investigation in aid of legislation.

Magugunitang, pagkatapos manalo sa eleksiyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, agad nagsagawa ng operasyon ang iba’t ibang yunit ng pulisya laban sa ilegal na droga.

Kinompirma ng pulisya na umabot na sa 110 suspek ang napapaslang simula nang manungkulan si Duterte nitong Hulyo 1.

( TRACY CABRERA )

About Tracy Cabrera

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *