Friday , December 13 2024

Urban Poor Groups solid kay Grace Poe

EKSAKTONG 18,000 samahan ng maralitang-lungsod ang nagkaisa upang tiyakin ang tagumpay ni Senadora Grace Poe sa isang malinis na eleksiyon sa May 9.

Idiniin ni Blanda Martinez, tagapangulo ng Urban Poor Unity (UUP), sapagkat ang alyansa ay “lubos na naniniwala na tanging si Poe lamang ang kandidatong pangulo ang tunay na kikilos upang maaksiyonan ang pangangailangan ng mahihirap.”

Sa isang interbyu, idiniin ni Martinez na “si Poe lamang ang kandidato sa pagkapangulo ang tunay at seryosong nakinig sa hinaing ng mga maralitang-lungsod.”

“Si Mam  Grace lang po talaga ang makakatulong sa aming mahihirap lalo sa problema ng pabahay, contractualization, at regular na trabaho na may mataas na suweldo,” patuloy ng pinuno ng BUPC.

Aniya, nangako si Grace Poe na itataas ang pondo sa proyektong pabahay ng pamahalaan upang higit na maraming pamilyang mahihirap ang makikinabang sa pabahay ng gobyerno.

Si Grace Poe rin ang pangulo na siguradong wawakasan ang sistemang contractualization sa pagtatrabaho, sa pamamagitan ng paglikha ng maraming-maraming trabaho, patuloy ni Martinez.

Sa datos ng Philippine Statistics Authorty (PSA), umaabot sa mahigit 35 milyon ang mga manggagawang nagtatrabaho bilang kontraktuwal ngayong 2016.

Ang mga kontraktuwal ay mas mababa kaysa minimum wage ang buwanang tinatanggap at walang benepisyo ang napapakinabangan mula sa pamahalaan.

Ayon kay Martinez, ang pagkakaroon ng regular na trabaho na may mataas na sahod kada buwan upang magkaroon ng disenteng buhay ay malaking isyu para sa sektor ng maralitang lungsod, bukod sa pagkakaroon ng sariling bahay kahit maliit, sapagkat lahat naman ng maralita ay mga manggagawa rin.

Ang BUPC ay binubuo ng 109 organisasyon ng mga maralitang lungsod na nakabase sa malalaking lungsod sa Filipinas.

Tiniyak ni Martinez, ang mga opisyal at kasapian ng BUPC ay titiyakin ang tagumpay ni Senadora Grace Poe sa pangkapangulo, sapagkat tanging siya lamang ang magsasalaba sa buhay ng mahihihrap at manggagawa.

About Hataw News Team

Check Also

Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila Seal of Good Local Governance SGLG

Mayor Honey, muling gumawa ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng Maynila

MULI na namang gumawa si Manila Mayor Honey Lacuna ng kauna-unahang record sa kasaysayan ng …

NBI Depleted Uranium

100 kilo ng mapanganib na mineral/bakal kompiskado
ILEGAL NA KALAKALAN NG ‘DEPLETED URANIUM’ NALANSAG NG NBI
Mag-asawa, ahente arestado

nina NIÑO ACLAN at EJ DREW ISANG malaking grupo na nagbebenta ng mapanganib na mineral …

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *