Wednesday , December 11 2024

Priority wards ibabalik din ni Mayor Alfredo Lim (‘Di lang libreng serbisyo sa ospital)

TINIYAK nang nagbabalik na si Manila Mayor Alfredo S. Lim, hindi lamang mga libreng serbisyo sa lahat ng ospital ng lungsod ang kanyang ibabalik kundi ma-ging ang pagbibigay ng ‘priority wards’ para sa mga pulis, bom-bero, guro, barangay officials, senior citizens, City Hall personnel at persons with disabilities (PWDs) o mga may kapansanan.

Sa isang caucus, pinapurihan ni Lim ang uri ng dedikasyon na ibinibigay ng mga nabanggit sa mamamayan at sa bansa, bilang serbisyo-publiko at ang pagbibigay ng prayoridad sa kanila ‘pag nagtutungo sa mga nasa-bing ospital ay maliit na paraan lamang upang sila ay pasalamatan. Sinabi ni Lim, dahil hindi tugma ang suweldo ng mga nasa-bing taong-gobyerno sa uri ng trabaho na kanilang ibinibigay, ang mga pulis, bombero, guro, City Hall personnel at barangay officials ay dapat talagang suportahan kapag sila ay nagkakasakit o nasusugatan at nangangailangan ng serbisyomg medikal sa mga panahong patuloy na nagtataasan ang presyo lalo na kung sa mga pribadong ospital pupunta.

Sa kaso ng mga pulis at bombero, palagian aniyang nasa bingit ang kanilang buhay sa pagtupad ng tungkulin, gayondin ang barangay officials na nahaharap sa panganib sa pagmantina ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.  

Ang mga guro naman aniya na humuhubog sa mga susunod na lider ng bansa ay nanganganib din lalo na tuwing nagsasagawa ng election duties.

Sa panig ng senior citizens at city personnel, ang pagbibi-gay prayoridad sa kanila ay dapat lang dahil iniaalay nila ang kanilang kabataan bilang produktibong mamamayan na nag-ambag din sa progreso ng lungsod.

Matatandaan, noong admi-nistrasyon ni Lim, ang mga na-sabing sector ay binibigyang-prayoridad pagdating sa ano mang aspekto ng serbisyong pangkalusugan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng special wards para sa kanila sa anim na ospital na pinatatakbo ng City Hall na libre lahat ng serbisyo.

About Leonard Basilio

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *