Tuesday , April 23 2024

2 pinugutan, 4 pinalaya ng Maute group

DALAWA sa anim katao na dinukot ng Maute group sa Lanao del Sur ang pinugutan makaraan paghinalaan bilang mga ahente ng militar. Habang ang apat ay pinakawalan, ayon sa mga awtoridad.

Ang mga biktima ay dinukot dakong hapon noong Abril 4 mula sa worksite sa Butig.

Ayon sa isa sa mga biktima, sila ay nakagapos at nakapiring sa loob ng pitong araw. Isa-isa anila silang inimbestigahan upang mabatid kung sila ay mga ahente ng militar.

Sinabi ni Julito Janobas, sa kabila nang paggiit na sila ay inosente, naniniwala ang grupo na mayroong intelligence agent sa kanila.

Ang apat ay pinalaya ngunit ang kasama nilang sina Salvador at Jeymart Permites ay naiwan at pinugutan bunsod nang sinasabing pagiging impormante ng militar.

About Hataw News Team

Check Also

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

arrest prison

Sigang tambay, kulong

‘IBINALIBAG’ sa selda ang 22-anyos tambay makaraang pumalag at ‘magpamalas ng kabangisan’ nang ireklamo ng …

Win Gatchalian

Mas maigting na pakikilahok ng LGUs sa edukasyon isinusulong ni Gatchalian

MULING isinulong ni Senador Win Gatchalian na paigtingin ang pakikilahok ng local government units (LGUs) …

Namatay sa baha sa Dubai
LUBOS NA TULONG MARAPAT IGAWAD SA TATLONG OFWs

KASUNOD ng pagpapaabot ng taos-pusong  pakikiramay sa pagkamatay ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) sa …

Paco Catholic School Fire Sunog

Pagkatapos ng P15-M sunog sa palengke
PACO CATHOLIC SCHOOL NO FACE-TO-FACE CLASSES

INIANUNSIYO ng Paco Catholic School (PCS) ang suspensiyon ng face-to-face classes simula bukas, Martes, 23 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *