Thursday , December 12 2024

Sino ang tatanghaling MVP ng PBA Philippine Cup Finals?

020116 lassiter ross santos manuel
KUNG sakaling makakabawi pa ang Alaska Milk sa tatlong sunod na kabiguang sinapit nito sa kamay ng San Miguel Beer at mapapanalunan pa rin ang kampeonato ng PBA Phiilippine Cup, siguradong si Vic Manuel ang maitatanghal na Most Valuable Player of the Finals.

Wala nang ibang manlalaro ng Alaska Milk ang nakikitang puwedeng sumilat kay Manuel na siyang naging Best Player ng unang tatlong laro ng serye na napanalunan ng Aces.

Ang tanong: Sino naman ang magiging MVP of the Finals sakaling makumpleto ng Beermen ang historic comeback at magkampeon?

Dito sasakit ang ulo ng mga miyembro ng PBA Press Corps na siyang pipili ng pararangalan.

Kasi naman ay iba-iba ang naging bida ng San Miguel sa tatlong panalong naitala nito para maitabla ang serye.

Sa Game Four, si Chris Ross ang naging Best Player matapos na muntik makabuo ito ng triple double. Nagtapos si Ross nang may 11 puntos, 12 rebounds at siyam na assists.

Sa Game Five ay si Arwind Santos naman ang naging Best Player nang gumawa ito ng 22 puntos, 16 rebounds, apat na assists, apat na supalpal at tatlong steals.

Sa Game Six ay si Marcio Lassiter naman ang pinanggalingan ng firepower ng Beermen nang gumawa ito ng 26 puntos kabilang na ang apat na three-point shots.

Kung titignang maigi, iba-iba ang pinangalingan ng kabayanihan upang matulungan ang kanilang main man na si June Mar Fajardo na hindi pa 100 percent buhat nang magtamo ng kapansanan sa tuhod.

Dahil sa nakapagpahinga ang dalawang teams ng limang araw mula nang maglaro sa Game Six noong Biyernes, inaasahang mapapakinabangan na nang husto si Fajardo bukas sa wiinner-take-all Game Seven. Malay natin at baka si Fajardo naman ang maging Best Player sakaling manalo nga ang Beermen.

E di iba-iba nga ang nagbida. Sino ang pipiliin ng PBA Press Corps upang magwagi bilang Cignal MVP of the Finals?

Mahirap, hindi ba? Unless na may makaulit bilang Best Player sa Game Seven para sa Beermen.

Pero siyempre, sinasabi ng mga taga-Alaska, “Para huwag na kayong mahirapang mamili, kami na lang ang magkakampeon at si Manuel na nga ang MVP!?”

Tignan natin.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *