Saturday , July 2 2022

Herndon, Capacio pasok sa Star Hotshots line-up

DALAWANG manlalaro lang ang maidadagdag ni coach Chito Victolero sa Star Hotshots paopasok sa 43rd season PBA na magsisimuka sa Disyembre 17.

Ito’y sina Robbie Herndon at Gwyne Capacio na kapwa rookies.

Hindi naman malalaki ag mga players na ito na pawang guwardiya, Pero kuntento si Victolero sa nakuha niya.

Si Herndon ay hindi naman napili ng Star. Siya ay buhat sa Globalport Ipinalit ng Hotshots ang tatlong draft picks para makuha siya.Napakalaking kabayaran. Is Herndon worth it?

Hindi nga lang natin alam. Kasi sa PBA D-League ay hindi naman talaga siya pumutok nang husto dahil sa ang mga napaglaruan niyang Wang;s Basketball at Marinerong Pilipino ay hindui naman talaga namayagpag.

Si Capacio?

Iyan ang surpise package. Siya ang parang diamantenh nakabaon sa buhangin na matagal na sanang nagnngining.

Sabay lang sila sa high School ni Keifer Ravema at mga second generation players. Sila ay kapwa nag-high school sa La Salle.

Si Ravena ay sa Greenhills samantalang si Capacio ay sa Alabang. Mga stars sika doon, Pero nang umakyat sila sa college ay nagsalubong ang kanilang landas sa Ateneo. At doon naungusan nu Ravena si Capacio.

Akala nga natin ay makakalinutan na si Capacio. Pero heto siya muli at nagbabanag bumawi.

Ang maganda na sa Star siya napunta. Bilang Puefods,sa koponang ito din nagumla ang kanyang amang si Glen Capacio. Ang tatay ni Keiferna si Bong ay naglaro din sa Purefoods noon.

So, kung saan bumuo ng estrella si Glenn, doon din bubuo si Gwyne.

And I’m sure na masusudan ni Gwyne ang yapak n Glen.

** ** **

I dream, I believe, I survive! Therefore, I am a STAR? ngek!!!

SPORT SHOCKED
ni Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

Conor McGregor Floyd Mayweather

Rematch ng Conor McGrecor vs Floyd Mayweather tsismis lang

LALABAN muli sa UFC  si Conor McGregor sa  pagtatapos ng 2022 o sa kaagahan ng …

Gilas Pilipinas FIBA World Cup Asian Qualifiers

Gilas  reresbak sa New Zealand

DUMATING na sa New Zealand ang Gilas Pilipinas nung Martes ng hapon para sa magiging …

Jeron Artest Ron Artest

Anak ni ex-NBA star Artest interesadong maglaro sa Gilas

MANILA, Philippines — Sinabi ni NBA champion Metta Sandiford-Artest, dating kilala sa pangalang Ron Artest …

chess

Llavanes, Mayor magtatangka sa top honor sa Bicol Online Grandprix Chess Tournament

MANILA–Magtatangka sina National Master Ronald Llavanes at Dr. Jenny Mayor kasama sina Jeffrey Vegas, Jesurie …

Chess

Chess player bida rin sa kanyang obra maestra

MANILA–Nakikilala na sa mundo ng sining ng  pagpipinta ang chess player na si Bb. Jennie …

Leave a Reply