Sunday , March 26 2023

Grandslam target ng SMB

KAHIT na nagpamigay ng tatlong manlalaro sa nakaraang trade ay hindi naman siguro mararamdaman ng defending champion San Miguel Beer ang pagkawala ng mga ito sa unang bahagi ng 43rd PBA season na magsisimula sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum. 

Nawala sa poder ng Beermen sina Jay-R Reyes, Ronald Tubid at Kevin McCarthy na napunta sa Kia Picanto kapalit ng number one pick sa nakaraang rookie draft na si Christian Standhardinger. 

Hindi pa makakasama ng San Miguel Beer si Standhardinger dahil sa naglalaro pa ito sa Hong Kong sa ASEAN Basketball League (ABL). Sa dulo pa ng Philippine Cup makakalipat si Standhardinger at magiging bahagi ng Beernen. 

So, habang naghihintay ay kailangang punan ng ibang manlalaro ang pagkawala nina Reyes, Tubid at McCarthy. 

Sa totoo lang, hindi naman malaki ang dapat nilang punan dahil sa hindi na naging bahagi ng rotation  ni coach Leo Ausrtria ang mga ito sa nakaraang season. Halos nanatili sila sa bench at nanood at nag-cheer. Paminsan-minsan na lang sila naisasabak sa giyera.  

Hindi nga  ba at palagi nating sinasabi na sobrang dumedepende si Austria sa kanyang starting unit at hindi na nabigyan ang iba ng tsansang ipakita ang kanilang skills at potentials. Kung nabigyan sana niya ng tsansa ang mga iyon, e di sana sangkaterba ang kanyang sandata at mas mahihirapan ang kanilang kalaban. 

Pero yun ang kanyang sistema e. 

Nakadalawang titulo siya noong nakaraang season sa sistemang iyon, kaya hindi na puwedeng sabihin na mali siya. 

At patuloy na iyon ang kanyang gagamiting sistema. 

Pero sa pagdating ni Standhardinger, tiyak na mababago iyon. Tiyak na sina Standhardinger at June Mar Fajardo ang maghahati sa responsibilidad. 

Iton ang future ng team. 

At baka iyon ang susi  sa Grand Slam. 

 

About Sabrina Pascua

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply