Monday , December 9 2024

Vice presidential bet may multong media bureau

THE WHO logoTHE WHO si vice presidential candidate na kabaligtaran sa kanyang platapormang isinusulong ang tirada ng kanyang mga aso ehek! Tao pala.

Banat ng ating Hunyango, nakasentro raw ang paraan ng panunungkulan ni vice presidentiable sa “transparency and accountability,” as in walang itinatago at tapat sa paglilingkod.

Sa Filipinas, ‘fun-tasy’ lang ‘yang transparency at accountability!

Oo patawa at pantasya lamang ‘yan dahil ‘di sila kikita kapag nangyari ‘yun!

Hak hak hak hak hak.

Idiretso natin, bagama’t marami ang duda sa kanyang kuwalipikasyon para asamin ang trono sa Coconut Palace, ito raw si Vice Presidential ay huwaran ng kabutihan.

Uulitin ko, raw ha!

Hmmmm ‘di naman kaya huwad na kabutihan?

Noong una raw, paayaw-ayaw pa si kandidato sa offer ng kanyang partido, pero kinalaunan nang tanggapin niya ito, agad kumilos ang kanyang mga galamay para itayo ang “Multong Media Bureau Group.”

Awooooooooooo!

Ang nasabing grupo ang responsable sa paggawa ng “praise releases” at iba pang materyales na isusubo sa mga mamamahayag para bumango at gumanda ang imahe ni kandidatong politiko.

Pero ang masakit, padala nang padala ng releases ang grupong ito sa mga mamamahayag pero wala man lang reference or contact person!

Mumu nga!

Tinamaan ng magaling anong itinatago n’yo ha?!

Kagandahan ba kayo para mag-inarte nang ganyan sa mga mamamahayag?!

Har har har har har!

Kung ganito sila umasta, malamang na hindi rin sila sampalataya sa “transparency and accountability” na ipinagyayabang ng kanilang amo kaya ayaw nilang magpakilala.

Teka…ang ibig bang sabihin ‘di totoo ‘yung pinagsasabi ni kandidato?

Baka ganoon na nga siguro!

Bwahahahahahaha! 

Kaya naman nabansagang “virtual media bureau” ang mga tauhan ni vice presidential bet dahil “online” lang daw ang means of communication sa mga media practitioner at hindi sila personal na nakikipag-ugnayan.

Aba’y talaga namang wow!

Ang masaklap nito baka sa pagiging “virtual” o hindi personal na nararamdaman ang media bureau ni  aspiring VP ay maging virtual din ang pangarap niya!

As in hindi maging totoo ang  asam na panalo sa May 9, 2016 elections.

‘Yun lang!

Good luck na lang!

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *