Thursday , December 12 2024

NLEX kontra SMB

120915 talulava fajardo NLEX SMB PBA
MULING pagkuha ng solo liderato ang pakay ng defending champion San Miguel Beer samantalang pag-iwas sa maagang pagkalaglag ang layunin ng Meralco sa magkahiwalay na laro ng PBA Philippine Cup mamaya sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Makakatunggali ng Beermen ang NLEX sa ganap na 7 pm matapos ang 4:15 pm bakbakan sa pagitan ng Bolts at Globalport.

Ang Beermen ay kasalukuyang kasosyo sa unahan ng Alaskia sa record na 7-1.  Mayroon silang five-game winning sreak at ang huli niang naging biktima ay ang Mahindra, 102-86 noong  Disyembre 3.

Ang NLEX ay may 4-4 record at  nakaseguro na ng quarterfinals berth.  Galing ang Road Warriors sa 90-96 kabiguan buhat sa Globalport. Kaya naman hangad ni coach Boyet Fernandez na makaiwas sa back-to-back na kabiguan.

Pagtutuunan ng pansin ang duwelo sa pagitan ng reigning Most Valuable Player na si June Mar Fajardo at beteranong si Paul Asi Taulava na siyang pinakamatandang manlalaro ng liga.

Si Fajardo ay susuportahan nina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter. Si Taulava ay tutulungan nina Sean Anthony, Enrico Villanueva, Mark Cardona at Jonas Villanueva.

Ang Meralco ay may iisang panalo sa siyam na laro. Galing ang Bolts sa 88-86 kabiguan buhat sa Alaska Milk.

Kailangan ng Meralco na mapanalunan ang natitira nitong dalawang laro upang magkaroon ng tsansang makarating sa susunod na yugto.

Ang Batang Pier ay kasama ng TNT sa ikaapat na puwesto sa record na 5-3. Nais ng Globalport na tapusin ang elims sa ikatlo o ikaapat na puwesto upang makakuha ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals.

( SABRINA PASCUA )

About Sabrina Pascua

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *