Monday , December 9 2024

3 suspek patay, pulis, 5 sibilyan sugatan sa Zambo shootout

ZAMBOANGA CITY – Tatlong suspek ang napatay habang isang pulis at limang sibilyan ang sugatan sa nangyaring shootout sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay kahapon.

Base sa report ng Zamboanga Sibugay police provincial office (ZSBPPO), isinagawa ang operasyon dakong 3:50 a.m. sa pangunguna ng mga kasapi ng Provinial Public Safety Company (PPSC) at ng iba pang mga unit ng PNP sa kanilang “one time-big time operation.”

Ito ay kasunod nang inilabas na search warrant ng korte batay sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinasok ng mga awtoridad ang target na dalawang bahay sa lugar na nagresulta sa palitan ng putok nang makipagbarilan ang mga suspek.

Napatay sa shootout sina Kiking Lim, Basilisa Llanos at ang isang dating barangay kagawad na si Edris Mohammad.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang menor de edad na sina Fatima Ayesha at Kisma Mohammad, habang ang tatlong iba pa ay sina Lydia Mohammad, Albaina Mohammad at Noriba Amsani.

Ang sugatang pulis na si PO2 Noriel Go Laureta, kasapi ng Provincial Public Safety Company, ay isinugod sa Ipil Provincial Hospital.

Habang ang mga sugatang sibilyan ay dinala sa Olutanga Rural Health Unit.

Narekober ng mga pulis mula sa bahay ng napatay na dating barangay kagawad ang isang unit ng M1 garand rifle at mga bala.

Habang sa bahay ng babaeng napatay ay anim matataas na kalibre ng baril ang nakuha kabilang ang isang unit ng AK47, carbine, baby armalite, M4, caliber .45 pistol, at isang unit ng 12 gauge shotgun, kasama ang maraming mga bala ng naturang nakuhang mga baril.

About Hataw News Team

Check Also

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

120924 Hataw Frontpage

Manong chavit nakisaya sa sumbingtik festival

CAINTA, RIZAL — Sa kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa …

Sara Duterte impeach PBBM Renato Reyes Sal Panelo Bato dela Rosa

Kahit hindi pabor si PBBM
‘IMPEACH SARA’  SCRIPTED — PANELO

NANINIWALA si dating Presidential Spokesperson, Atty. Salvador “Sal” Panelo, ‘scripted’ ang inihain na impeachment case …

Sa bahagi ng Bulacan KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

Sa bahagi ng Bulacan
KOTSE NAGLIYAB SA NLEX

ISANG kotse ang nasunog sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEx) Viaduct area malapit …

Gusi Peace Prize

Gusi Peace Prize 2024: Honoring Global Changemakers Across Diverse Fields

THE Gusi Peace Prize, often regarded as the “Asian Nobel Peace Prize,” celebrated its 37th …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *