Monday , October 2 2023

‘Jenny’ signal no. 1 sa Batanes

ITINAAS na ang Batanes group of islands sa signal number one habang lumalayo ang Bagyong “Jenny” sa bansa, ayon sa weather bureau PAGASA kahapon.

Sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, bahagyang lumakas ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbusong aabot sa 195 kph.

Huling namataan ag bagyo sa layong 645 kilometro silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes. Kumikilos ito pa kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Itinaas ang public storm signal sa Batanes upang maihanda ang mga residente sa epekto ng bagyo na mararamdaman sa loob ng 36 oras, banggit ni Mendoza.

Patuloy na pinalalakas ni Jenny ang southwest monsoon o habagat na naka-aapekto sa Katimugang Luzon at Visayas.

Mararanasan ang maulap na papawiring may mahinang pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat at pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Kanlurang Visayas.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitang may isolated thunderstorms ang iiral sa natitirang bahagi ng bansa.

Pinapayuhan ang mga mangingisda na huwag pumalaot sa silangang baybaying-dagat ng Luzon at Visayas gayondin sa hilagang seaboards ng Calaguas.

Inaasahang hindi magla-landfall si Jenny na tinatayang makalalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes ng hapon.

 

 

About Hataw News Team

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *