Saturday , April 19 2025

Scavenger binoga sa ulo (Nag-aalmusal ng jompong kapiling ang pamilya)

PATAY ang isang 32-anyos lalaking scavenger makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang kumakain Korean hot noodles kasalo ang kanyang pamilya sa isang bangketa sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Jandusay, miyembro ng Commando gang, residente ng Gate 10, Pier 2, Area B, Parola Compound, Tondo.

Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Ayon kay SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 2:30 kamakalawa nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Kumakain ang biktima kasalo ang pamilya nang biglang sumulpot ang suspek at siya ay binaril sa ulo. 

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa insidente.

Leonard Basilio, may kasamang ulat nina Rhea Fe Pasumbal, Anne Marielle  Eugenio, Beatriz Pereña, at Angelica Ballesteros

About Leonard Basilio

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *