This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang paghahain ng kaso laban sa pangunahing suspek sa binansagang Bar Exam bombing noong Setyembre 2010 sa Taft Avenue, Maynila.
Sa 17-pahinang desisyon ng Special Fourth Division na may petsang Hulyo 14, 2015, kinatigan ng appellate court ang paghahain ng DoJ ng kasong multiple frustrated murder, multiple attempted murder, at illegal possession of explosives laban sa suspek na si Anthony Leal Nepomuceno.
Tinukoy ng CA ang βnon-exhaustion of administrative remediesβ sa panig ni Nepomuceno.
Imbes na kwestiyonin muna ang resolusyon ni Asst. State Prosecutor Gerard Gaerlan sa Office of the Secretary of Justice, diretso niyang inihain ang pagkwestiyon sa Court of Appeals.
Bukod sa teknikalidad, tinukoy rin ng CA na sa aspeto ng merito ng kaso, wala silang nakitang βgrave abuse of discretionβ sa panig ng investigating prosecutor nang magdesisyon itong may probable cause ang kaso.
Hindi binigyan ng bigat ng CA ang argumento ni Nepomuceno na hindi magkakatugma ang mga testimonya ng mga testigo.
Ang pagkwestiyon din anila ni Nepomuceno sa kredibilidad ng mga testigo ay mas akmang talakayin sa pormal na paglilitis sa hukuman.