Friday , December 1 2023

P-Noy malapit na ma-impeach

ANG sunud-sunod na kapalpakan ng administrasyon ni Pres. Noynoy Aquino ay nagpapakita ng masaklap na scenario na nalalapit na rin si-yang ma-impeach.

Para sa kaalaman ng lahat, dalawang kasong impeachment na ang isinalang sa Lower House laban sa kanya. Pero marami ang nagsasabi na dahil kontrolado umano ng mga kakampi ng Pangulo ang Kongreso, malabo raw ma-impeach si P-Noy.

Kaya lang, may mga nagsasabi rin na kung sakali man makaligtas si P-Noy sa pagkakasibak bago matapos ang kanyang termino, tiyak daw na daranasin din niya ang sinapit ni dating Pres. Gloria Arroyo pag-alis niya sa Malacañang. Hahabulin din siya ng sangkatutak na asunto sa hangaring maipakulong ng mga kalaban niya sa politika.

Sa sandamakmak na kapalpakan ni P-Noy mula nang maupo siya sa puwesto, hindi na siya tinantanan ng mga nakapupuna at nagsasabi na siya raw mismo ang lumalabag sa kanyang inilatag na ‘tuwid na daan.’

Ang pinakamabigat na kaso na hinaharap ni P-Noy ang nabunyag na kontrobersiyal na pa-mumudmod niya ng “disbursement acceleration program (DAP)” sa mga mambabatas.

Maaalalang idineklarang “unconstitutional” ng Korte Suprema ang ilang bahagi ng DAP.

At ang masaklap pa, mga mare at pare ko, ang mga damuho niyang opisyal na nasabit din at pinaghihinalaang nakinabang sa pork barrel scam o kaya ay sa DAP ay halatang-halata na isinasalba agad ng Malacañang. Sa palagay ba nila ay hindi sila mahahalata sa kalokohang ito?

Tutukan!

***

MASAKIT mang tanggapin pero sayang ang bawa’t linya ng mga papuri kay P-Noy ng mun-ting pitak na ito sa mga pahayagan na aking sinusulatan, mula noong siya ay nangangampanya pa lamang sa pagka-senador hanggang ma-ging Pangulo ng bansa.

Napagbibintangan tuloy ako na bayaran daw ng Malacañang dahil lagi na lang si P-Noy ang ‘bida’ sa aking mga isinusulat. Pilit natin ipinaliliwanag sa ating mga mambabasa ang kanyang mga pananaw at katwiran sa mga sensitibong isyu sa paniniwalang ginagawa niya ang lahat para sa kapakanan ng sambayanan.

Pero maniniwala ba kayo, mga mare at pare ko, na kahit isang “thank you,” message man lamang ay hindi ako naisip padalhan ng mga gago niyang alipores? Napaliligiran kasi si P-Noy ng sankaterbang nagdudunong-dunungan na akala mo ay matatalino pero kulang naman sa pag-iisip.

Kapag hindi tinupad ng Pangulo ang kanyang mga pangako na ‘tuwid na daan’ bilang paglaban sa katiwalaan, at “kayo ang boss ko” na ang tinutukoy ay ang pagsunod niya sa mga mamamayan, tiyak na magpapatuloy ang kanyang pagbulusok sa kapahamakan.

Sa totoo lang, mabilis ang pagbagsak ng kanyang popularidad at mahigit na sa kalahati ng mga mamamayan ang wala nang tiwala sa kanya.

At kung hindi pa rin niya ipatitigil ang walang habas na pagwawaldas sa pera ng bayan ng mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ng mga buwayang mambabatas, baka hindi na niya tuluyang matapos ang kanyang termino sa 2016.

Tandaan!

Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga …

GomBurZa

Mga bida sa historical film hahangaan ang tikas magsalita ng Spanish at Latin 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SERYOSO naman ang atake ni direk Pepe Diokno sa GomBurZa, ang natatanging historical entry …

Lito Lapid

Action movies ni Sen Lito Lapid mapapanood na sa Netflix

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT pala ay nagkasama sa movie sina Sen. Lito Lapid at Jackie Chan. Pero …

Mamasapano Now It Can Be Told

Pelikula ukol sa SAF 44 nasa Netflix na

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na sa Netflix ang Borracho Films movie na Mamasapano (Now It Can Be Told). …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *