Sunday , January 19 2025

Talamak na korupsiyon

HINDI maikakaila na talamak na talaga ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC).

Akalain ninyo, nitong huli ay nakalusot sa kanila ang sandamakmak na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon at nakarating sa isang warehouse sa Paseo de Blas sa Valenzuela City. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa ating bansa.

Galing ito sa damuhong bansang China na pilit kinakaibigan at dinidikitan ng mga opisyal ng Filipinas. Nakatanggap daw ng tip mula sa China ang ating mga awtoridad kaya nabuko ang kontrabando. Kasunod nito ay nagsagawa ng raid ang puwersa ng BOC at National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang warehouse.

Ang unang tanong ay kung bakit NBI ang agad tinawagan ng BOC para sa isasagawang raid sa halip na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na inatasan ng batas na humawak ng mga kaso na may kaugnayan sa droga? Maliwanag pa sa sikat ng araw na PDEA ang unang dapat pumasok sa warehouse pero tinawagan lang sila ng BOC ilang oras makalipas ang raid.

Ang masaklap nito, kung bakit ipinasa ng Customs ang 505 kilos ng shabu sa NBI para sa safekeeping at bilang ebidensiya samantala 100 kilo lang ang ipinatabi sa PDEA?

Diretsahang sinabi ni Sen. Tito Sotto kay BOC-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) chief Col. Neil Estrella na nilabag nila ang batas sa bagay na ito.

Sa ilalim daw ng batas, ang lahat ng makokompiskang droga ay dapat i-turnover sa

PDEA at hindi sa NBI o iba pang mga ahensiya. Para sa kaalaman ng lahat, alam na alam ito ni Sotto dahil siya mismo ang lumikha ng batas na bumuo sa PDEA.

Sa pagdinig na isinagawa ng House of Representatives ay ibinunyag ni Mark RubenTaguba II, ang nagsilbing broker para sa shipment ng naturang shabu, ang pangalan ng ilang opisyal ng Customs na kanyang nilalagyan o sinusuhulan umano para makalusot ang mga kontrabando nang walang sabit.

Kabilang sa mga pinangalanan ni Taguba ang CIIS chief; deputy commissioner ng BOC Intelligence Group; district director ng BOC Manila International Container Port; direktor ng Import and Assessment Service at Assessment and Operational Coordinating Group; ang CIIS District Intelligence officer; at ilan pang mga tao.

Hindi natin sinasabing totoo ang ibinunyag ni Taguba dahil lahat ito ay daraan pa sa kinakailangang imbestigasyon at beripikasyon. Posible rin na may nagaganap na katiwalian sa kanyang nasasakupan nang hindi nalalaman ng Customs chief na si Nicanor Faeldon.

Inaasahan na itatanggi ng mga opisyal ng Customs na sangkot sila sa katiwalian.

Pero kung patuloy na nakalulusot ang mga kontrabando ni Taguba sa BOC, mga mare at pare ko, sino ang kanyang sinusuhulan? Alangan naman ang janitor o security guard sa Customs?

Manmanan!

BULL’S EYE – Ruther Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Peace o power?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANO pa man ang itawag, ang “peace rally” na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 100-araw ni Col. Buslig sa QCPD, krimen patuloy sa pagbaba

AKSYON AGADni Almar Danguilan ENERO 11, 2025, ang unang isandaang araw ni PCol. Melecio M …

Dragon Lady Amor Virata

Pulis na private security ng mga kandidato, ipinasisibak

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MGA kandidato sa 2025 elections na may mga banta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Firing Line Robert Roque

Renovation na karapat-dapat

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUMASAILALIM ngayon ang Rizal Memorial Sports Complex, isang makabuluhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *