Sunday , December 14 2025

News

Quarry caretaker natagpuang patay sa loob ng sasakyan (Sa Negros Occidental)

MISTERYO pa rin hanggang sa kasalukuyan para sa Bago City Police Station sa lalawigan ng Negros Occidental ang pagkamatay ng isang negosyanteng tinukoy na caretaker ng quarry, binaril sa naturang lungsod nitong Martes, 16 Marso. Natagpuan ang bikti­mang kinilalang si Henie Maalat, Sr., 49 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa lungsod ng Bago, na walang buhay sa loob ng kanyang …

Read More »

2 drug den sinalakay sa Angeles City 17 tulak nalambat

NASUKOL ng mga awtoridad ang 17 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang pagsalakay ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) nitong Martes ng hatinggabi, 16 Marso, sa dalawang drug den sa Brgy. Balibago, lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa ulat ni PDEA Director Christian Frivaldo, sa unang pagsalakay ay umabot sa 15 gramo ng …

Read More »

2 wanted rapist, tiklo sa magkahiwalay na operasyon sa Bataan

prison rape

ARESTADO Ang dalawa kataong pinaghahanap ng batas dahil sa kasong rape sa magkahiwalay na operasyon nitong Martes, 16 Marso, ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bataan. Sa ulat ni P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan Provincial Police Office, sa tanggapan ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano se Leon, naunang nadakip ang suspek na kinilalang si Joshua Carillo, No. 10 Sibat …

Read More »

Barangay hall sa Navotas ini-lockdown

ISINAILALIM sa granular lockdown ang barangay hall ng Brgy. San Jose sa Navotas City simula 12:00 am ng 16 Marso hanggang 11:59 pm ng 20 Marso. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isinailalim na rin sa RT-PCR swab test ang lahat ng mga opisyal at kawani ng barangay para sa kanilang kaligtasan at sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan. “Ang pagpapa-swab …

Read More »

DILG-Napolcom Center sa QC, 3 araw lockdown

TATLONG araw isina­ilalim sa lockdown ang central office ng National Police Commission (Napolcom) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Quezon City nang magpositibo sa CoVid-19 ang ilang kawni ng ahensiya. Ayon kay Napolcom vice chairman at executive officer Vitaliano Aguirre II, ang lockdown ay sinimulan nitong Miyerkoles, 17 Marso, at magtatagal hanggang sa Biyernes, 19 Marso. …

Read More »

Bank teller sugatan sa ‘lumusot’ na SUV (Salamin ng banko binunggo)

SUGATAN ang isang babaeng empleyado nang bumangga at dumeretso sa loob ng isang banko ang isang sport utility vehicle (SUV) na Mitsubishi Montero sa EDSA, sa lungsod ng Quezon, nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), dakong 8:05 am naganap ang insidente nang mata­pa­kan ng nagmamaneho na kinilalang si Dr. Esther Peralta ang accelerator ng kanyang …

Read More »

Andanar deadma sa CoVid-19 crisis sa PTV-4 (Epal sa propa vs Duterte critics)

TIKOM ang bibig ni Communications Secretary Martin Andanar sa lumalalang sitwasyon ng coronavirus disease (CoVid-19) sa hanay ng mga empleyado sa government-run People’s Television Network (PTV). Pansamantalang nawala sa ere kahapon ang PTV bunsod nang isasagawa umanong disinfection sa buong gusali at pasilidad nito. Nabatid sa source na mahigit 30 ang aktibong kaso ng CoVid-19 sa PTV ngunit ang iniulat …

Read More »

15 sasakyan inararo ng Honda sedan 10 sugatan (Sa Maynila)

ISINUGOD sa iba’t ibang pagamutan ang sampung  indibidwal nang ararohin ng isang kotse nitong Miyerkoles ng hapon, sa Ermita, Maynila. Sa ulat, 1:30 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Taft Avenue hanggang Finance Road na umabot sa 15 sasakyan at motorsiklo ang napinsala. Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Traffic Enforcement and Traffic Bureau, sinabing binalewala ng driver …

Read More »

Paghahati sa lalawigan tinanggihan ng Palaweño (Sa botong 172,304 kontra 122,223)

TINANGGIHAN ng mga residente ng lalawigan ng Palawan ang mungkahing hatiin ito sa Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Palawan Oriental. Opisyal na inilabas ang resulta ng plebesito nitong Martes, 16 Marso. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, nabilang ng Board of Canvassers ang may kabuuang 172,304 NO votes at 122,223 YES votes, na isang munisipalidad …

Read More »

2 tirador ng ‘metal’ sa SJDM timbog

San Jose del Monte City SJDM

NALUTAS ng mga awtoridad ang laganap na nakawan ng mga asero (metal) sa bakuran ng mga farm sa lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nang masakote ang dalawang kawatan nitong Lunes ng gabi, 15 Marso. Sa ulat mula kay P/Maj. Julius Alvaro, acting chief of police ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), kinilala …

Read More »

Curfew violators marami sa Maynila

Manila

NAGTALA ng pinaka­maraming pasaway sa unang arangkada ng ipinatupad na Uniform Impelentation of Curfew Hours (UICH) ang nadakip sa Maynila. Ayon kay NCRPO RD P/MGen. Vicente Danao, Jr., sa ginawang assessment ng NCRPO sa unang arangkada ng UICH sa Metro Manila ay umabot sa 1,236 curfew violators ang nahuli. Nabatid sa ipinadalang report kay Manila Police District director P/BGen. Leo …

Read More »

819 pasaway sa curfew, dinakma sa QC

QC quezon city

SA UNANG ARAW ng pagpapatupad ng curfew hours, umabot sa 819 katao ang naaresto ng pinagsanib na puwersa  ng Department of Public Order and Safety (DPOS), Quezon City Police District (QCPD), Task Force on Transport and Traffic Management, at Task Force Disiplina sa lungsod, nitong Lunes ng gabi. Ang mga inaresto ay dinala sa kanilang mga barangay at inisyuhan ng …

Read More »

Parañaque legislative building ini-lockdown

Parañaque

ISINAILALIM sa lockdown ang legislative building sa lungsod ng Parañaque simula ngayong araw ng Martes hanggang sa 21 Marso. Ayon kay Ding Soriano, administrator ng Parañaque City Hall marami ang nagpositibo sa korte kabilang ang sheriff court personnel at iba pa. Sa ngayon ay wala pang ibinigay na datos ang Parañaque local government unit (LGU) kung ilan ang bilang ng …

Read More »

Bagong isolation facility handa na vs CoVid-19 (Sa paglobo ng mga kaso)

SA PATULOY na paglobo ng mga kaso ng CoVid-19, tiniyak ni Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga na handa anomang oras ang bagong isolation facility ng lalawigan sa bayan ng Mexico upang matiyak ang seguridad ng mga Kapampangan sa panahon ng pandemya. Pahayag ni Dr. Dax Tidula, incident commander ng National Government …

Read More »

Konsehal ng Quezon, inireklamo sa kasong rape at kidnapping

rape kidnap abuse

NAHAHARAP sa bagong kaso ng kidnaping at panggagahasa ang isang konsehal ng Lopez, lalawigan ng Quezon matapos maghain ng pormal na reklamong administratibong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, at Dishonesty and Oppression ang 18-anyos biktima sa tangga­pan ng Ombudsman. Sa pitong pahinang sinumpaang salaysay ng biktima na kinilalang alyas Sharon, direktang tinukoy si Lopez Councilor Arkie Manuel Yulde a.k.a. …

Read More »

Romblomanon kinalampag ang Sandiganbayan sa kaso ng kanilang kongresista

NANANAWAGAN ang grupo ng concerned  Romblomanon sa Sandiganbayan na lutasin ang kaso laban sa incumbent congressman ng lalawigan na si  Eleandro Jesus Madrona, nahaharap sa  graft charges sa anti-graft court. Ayon sa Romblon Alliance Against Corruption and Dynasty (RAACD) na pinamumunuan ni journalist Nick Ferrer, si  Madrona at dalawa pang ranking provincial agricultural employees ay may ilang taon nang naka-pending …

Read More »

Pangako ni Duterte vs Covid-19, hungkag (Coronavirus inismol)

HUNGKAG ang mga pinakakawalang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko sa paglaban sa CoVid-19. Sinabi ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro, ang mga pahayag ng Pangulo kamakalawa ng gabi na “huwag matakot, hindi ko kayo iiwan” ay walang kahulugan dahil ang kailangan ng mga Pinoy ay mass testing, mabisang contract tracing, sapat na ayuda, epektibo, at episyen­teng …

Read More »

Bulacan, walang community transmission ng UK at South African variants

Covid-19 Bulacan

INILINAW ng pama­halaang panlalawigan ng Bulacan na wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng kahit anong CoVid-19 variant partikular ang UK at South African variants. Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na tatlong returning overseas Filipino workers (OFWs) sa Bulacan na positibo sa bagong variant ng …

Read More »

2 tulak, menor de-edad, timbog sa serye ng drug ops sa Bulacan

ARESTADO ang tatlong hinihinalang notoryus na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa magkasunod na anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Lunes, 15 Enero. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang tatlong suspek na sina Mark Anthony Menes, alyas Chinito, residente sa Brgy. Lambakin, bayan ng …

Read More »

Mahabang curfew hours ipatutupad sa Maynila

Manila

SINIMULAN nitong Lunes ng gabi ang pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa lungsod ng Maynila bunsod ng patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng CoVid-19 hindi lamang sa lungsod kundi sa buong Metro Manila. Batay sa ipinatutupad na ordinansa sa lungsod ng Maynila, simula 8:00 pm hanggang 5:00 am ang curfew hours sa edad 16 anyos pababa habang 10:00 …

Read More »

Roque positibo sa CoVid-19

NAGPOSITIBO si Presidential Spokesman Harry Roque sa coronavirus disease (CoVid-19). Inamin ito ni Roque kahapon sa virtual Palace press briefing. Sinabi niya, 11:29 am kahapon nang matanggap niya ang resulta pero dahil nasa kanyang opisina na siya ay nagpasya siyang ituloy ang virtual press briefing ngunit mag-isa na lamang siya sa kanyang silid. Dalawang beses umano siyang sumailalim sa RT-PCR …

Read More »

53 pulis positibo sa covid-19 (MPD-PS 11 LOCKDOWN)

COVID-19 lockdown

ISINAILALIM sa lockdown ang Manila Police District – Meisic Station (PS-11) nang magpositibo ang 53 pulis sa CoVid-19 mula sa 241 puwersa ng pulisya sa isinagawang swab test a Lungsod ng Maynila. Sa personal na panayam kay MPD Director, P/BGen. Leo Francisco, sumalang sa swab test ang kanilang 241 pulis nitong 11 Marso, at 53 sa kanila ay positibo. Nabatid …

Read More »

AFP PA 600 medical frontliners sa Rizal binakunahan vs CoVid-19

TINURUKAN ng bakuna ang tinatayang 600 medical frontliners ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army sa vaccination rollout ng CoVid-19 vaccine sa Camp Capinpin, sa bayan ng Tanay, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado, 13 Marso. Magkasamang tinang­gap nina Brig. Gen. Rommel Tello, Assistant Division Commander, at Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco kamakalawa ang 1,200 vials ng CoVid-19 vaccine na …

Read More »