Sunday , December 14 2025

News

Alyas Robinhood, partner timbog sa P2.5-M ‘bato’

HINDI nakapiglas si alyas Robinhood at ang kanyang partner nang posasan ng mga awtoridad matapos mahulihan ng tinatayang aabot sa P2.5-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa inilatag na anti-narcotics operation nitong Martes, 9 Marso, sa lalawigan ng Tarlac. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ang mga suspek batay sa ulat ni ni P/Col. Renante Cabico, direktor ng Tarlac PPO, na …

Read More »

Lolong obrero ginulpi ng katrabaho

Drinking Alcohol Inuman

BUGBOG-SARADO ang mukha ng isang lolong obrero makaraang gulpihin ng kanyang kasamahan sa construction site matapos mag-inuman sa Malabon City, kahapon madaling araw. Ginamot sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang kinilalang si Antonio Las Piñas, 61 anyos, residente sa Lot 2, Block 32 Gabriel Subdivision D2, Brgy. Hulong Duhat ng nasabing lungsod sanhi ng mga pasa at bukol sa …

Read More »

BARMM elections makaaantala sa pag-unlad ng rehiyon (Kapag iniliban)

BARMM

NAGBABALA si Senador Imee Marcos na ang pagpapaliban ng eleksiyon sa Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) ay maka­aantala sa pag-unlad ng rehiyon at sa pagtatama ng makasaysayang kawalan ng hustisya sa mga mamamayan nito. Binigyang diin ni Marcos sa harap ng paghahain ng maraming panukalang batas sa senado at kamara na ipagpaliban sa 2025 ang nakatakda sa batas …

Read More »

Inflation, food insecurity, labanan, magtanim sa bahay — solon

NANAWAGAN si Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar sa mga Pinoy na paigtingin ang urban farming sa bansa bilang tugon sa tumataas na inflation at kawalan ng pagkain. Ani Villar, ang pagtatanim sa sariling bakuran ay isang paraan para labanan ang kahirapan dulot ng pandemia dahil sa CoVid-19. “Food security is very important. We can grow our …

Read More »

Pseudo journo ahente ng anti-commie group sa media

NAGTATAGO sa press identification card (ID), sa isang media organization, at nagpapanggap na progresibo ang isang pseudo journalist para magbigay ng imporma­syon sa mga kaalyado sa anti-communist group. Nabatid ito sa ilang impormante ng HATAW D’yaryo ng Bayan, kasunod ng walang habas na red-tagging na iwinawasiwas ng ilang opisyal ng militar laban sa ilang mamamahayag. Ayon sa mga source, sa …

Read More »

Rapist na most wanted timbog sa Manhunt Charlie (Sa Pampanga)

ARESTADO ang isang rapist sa isinagawang operation Manhunt Charlie ng mga awtoridad nitong Linggo, 7 Marso, sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Eric Cunanan, 34 anyos, residente sa Sta. Lucia, bayan ng Sasmuan, sinasabing kabilang sa most wanted persons ng nabanggit na lalawigan. Sa ulat, agad sinalakay …

Read More »

Binasted ng bebot, kelot naglasing, naghamon ng away

Drinking Alcohol Inuman

NAGPAULAN ng basag na bote ng serbesa sabay naghamon ng suntukan ang isang lasing na binata makaraang biguin ng nililigawang babae sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Sa kulungan na natauhan ang suspek na kinilalang si Joshua San Miguel, 20 anyos, residente sa Dulong Jacinto St., Brgy. Ibaba ng nasabing lungsod. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Jeric Tindugan at …

Read More »

VP Leni hinamon maglabas ng ebidensiya sa ‘CALABARZON massacre’

HINAMON ng Palasyo si Vice President Leni Robredo na maglabas ng ebidensiya sa pagtaguring masaker ng mga pulis sa siyam na aktibista sa CALABARZON nitong Linggo. “Unang-una, kung personal na nakita ni Vice President iyong pangya­yari, aba’y magbigay siya ng ebidensiya. Kasi ang pananalita niya ay parang nakita ng dalawa niyang mata kung ano ang nangyari roon sa mga patayan …

Read More »

Pagtanggal ng NBI clearance sa gun license naunsiyami (Resolusyon ni Sinas nabitin)

KAILANGAN konsul­tahin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas ang iba pang ahensiya na tumulong sa pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Comprehensive Firearm and Ammunition Act bago ito amyendahan, ayon sa Palasyo. Napaulat na naglabas ng resolution si Sinas na nagtatanggal sa NBI clearance bilang isa sa mga requirements at pinanatili ang police clearance upang …

Read More »

Search warrant ‘gamit’ ng PNP sa madugong raid sa CaLaBaRZon

ni ROSE NOVENARIO BUBUSISIIN ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paggamit ng search warrant sa mga inilulunsad na police operations. Inihayag ito ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Adrian Sugay, kinatawan ng Administrative Order 35 Inter-Agency Committee on Extralegal Killings, Enforced Disappearances and other Grave Violations of the right to Life, Liberty, and Security of Persons. “Iyan ho ay …

Read More »

Intel network peligrosong atakehin ng hackers

MALAKI ang posibilidad na malagay sa alanganin ang intelligence network at information ng bansa sa sandaling maitayo ang cell sites sa ilang kampo sa bansa batay sa kasunduang nilagdaan ng  Armed Forces of the Philippines (AFP) at Dito Telecommunity. Sa ulat ng CNN Philippines, pinagkalooban ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang 3rd telco na kauna-unahang pribadong kompanya …

Read More »

Palawan frontliners tumanggi sa CoronaVac ng China

PUERTO PRINCESA CITY, PALAWAN — Hindi man lang umabot sa kalahati ng bilang ng mga frontline medical worker ng Ospital ng Palawan (OnP) sa Puerto Princesa ang sumang-ayon na mabakunahan ng China-made CoronaVac mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac. Naging available ang bakuna ng Beijing-based Sinovac Biotech Ltd., sa health workers sa Palawan noong Linggo, Marso 7, subalit 180 …

Read More »

Bulacan tumanggap ng Sinovac 900 doses (Vaccine rollout nagsimula na)

MATAPOS ang maingat na pagpaplano at pagha­handa para sa pagdating ng mga bakuna, naglaan ang Department of Health Regional Office III (DOH-3) ng 900 doses ng CoVid-19 vaccines mula sa drugmaker na Sinovac Biotech sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 7 Marso. Dinala ang mga bakuna sa itinalagang cold storage room sa lalawigan na matatagpuan sa Isidoro Torres Hall …

Read More »

Calbayog mayor, 2 police escorts patay sa ambush

HINDI nakaligtas sa pana­nam­bang ng armadong kalalakihan ang alkalde ng Calbayog City, sa lalawigan ng Samar, at ang kanyang dalawang police escort nitong Lunes ng hapon, 8 Marso, sa Laboyao Bridge, Brgy. Lonoy, sa nabanggit na lungsod. Sinabi ni P/Lt. Col. Bella Rentuaya, tagapag­salita ng PRO-VII PNP, natanggap nila ang pau­nang ulat na  napaslang si Mayor Ronald Aquino at ang …

Read More »

50 bahay giniba sa Fort Bonifacio

AABOT sa higit 50 bahay ang idinemolis ng Philippine Army sa loob ng kampo sa Fort Bonifacio, Taguig City, iniulat kahapon. Sa impormasyon, nabatid na tatlong dekada nang ginagamit ng mga sibilyan ang kampo at pinagkakakitaan ng ilang residente. Noong una, anim na pamilya umano ang pinayagang tumira sa loob ng kampo hanggang dumami ang mga naninirahan sa loob ng …

Read More »

Health protocols higpitan — Isko

PINAHIHIGPITAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatu­pad ng health protocols sa kalsada at mga barangay. Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so kasama si MPD Director P/BGen. Leo Francisco at mga station commander na ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatu­pad ng health protocols upang matigil ang tumataas na bilang …

Read More »

2 resto bars sa Makati ipinasara ni Mayor Abby

IKINANDADO ng Makati city government ang dalawang high-end bars dahil sa paglabag sa general community quarantine (GCQ) protocols. Ipinasara ang ang Movida Fashion Food + Club at ang Royal Club, sa General Luna St., at Burgos St., sa Barangay Poblacion, Makati City, makaraang ipag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay, dahil sa patuloy na paglabag sa health protocols. Layunin nitong …

Read More »

Misis ‘kosa’ na sa ‘food packs’ na may shabu (Para kay mister sa hoyo)

arrest prison

KASAMA nang nakakulong ng 19-anyos misis ang kanyang mister matapos pasalubungan ng pagkaing hinaluan ng shabu sa La Loma Police Station 1 sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Danilo Macerin ang nadakip na si Justine Kate Guinto, 19, residente sa C. Palanca St., San Miguel, Quiapo, Maynila. Sa ulat, dakong …

Read More »

‘Kill, kill, kill’ order ni Duterte, legal — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO LEGAL ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar na patayin ang mga rebeldeng komunista. “So under IHL (International Humanitarian Law) po, tama iyong order ng Presidente – kill, kill, kill kasi nga po kapag mayroong labanan, kapag ang labanan mo may baril na puwede kang patayin, alangan naman ikaw ang mag-antay na ikaw …

Read More »

‘Express swab test’ modus sa Maynila pinaiimbestigahan

Covid-19 Swab test

IPINABUBUSISI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang operasyon na nag-aalok g mahal ngunit pekeng CoVid-19 swab test sa Maynila na nais umuwi sa kanilang lalawigan. Ayon kay Mayor Isko, iniharap sa kanya ang dalawang suspek na nagpanggap na taga-city hall upang mambiktima ng mga Badjao, at pinagbabayad ng P1,000 kada swab test. Halos 100 pekeng swab test …

Read More »

Binatilyo sugatan sa saksak, mister sugatan sa bala

SUGATAN ang isang 16-anyos binatilyo at  isang 53-anyos mister matapos ang naganap na insidente ng pananaksak at pamamaril sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni P/Cpl. Mayett Simeon, may hawak ng kaso, dakong 11:30 pm, sa loob ng isang computer shop na matatagpuan sa 8th St., Block 4 Lot 11, Brgy. Tañong ng nasabing lungsod. Nasa loob …

Read More »

P16-M ‘damo’ nasamsam sa buy bust 2 HVT drug dealers timbog sa Isabela

marijuana

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang tulak ng ipinagbabawal na gamot na hinihinalang high-value targets (HVTs) at nasamsam ang P16-milyong halaga ng mga bloke-blokeng marijuana, sa bayan ng Quezon, lalawigan ng Isabela, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ni P/Col. James Cipriano, direktor ng Isabela PPO, ang mga nadakip na suspek na sina Anwar Sindatoc, 54 anyos, ng lungsod ng Las …

Read More »

P7-M ‘bato’ natiklo sa delivery boy sa Cebu

shabu drug arrest

NASAMSAM ang isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkaka­halaga ng P7,000,000 mula sa isang 36-anyos boy sa Brgy. Ermita, sa lungsod ng Cebu, nitong Sabado, 6 Marso. Kinilala ang suspek na si Carlo Magno Tude, nadakip sa ikinasang buy bust operation ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Cebu City Police Office (CCPO) pasado hatinggabi kama­lawa. Nabatid ng pulisya …

Read More »