I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na isa siya sa main hosts.
Two days na naming hindi napapanood si Mamang Pokwang at si Camille Prats ang nakita naming naagho-host together with Kim Atienza.
Nag-message kami sa director ng show na si Louie Ignacio. Heto ang reply niya sa amin.
“Kuya Jun nagpaalam naman ng maayos si Mamang. Naka-concentrate raw siya ngayon sa business niya,” reply ni direk Louie.
Sa tanong namin kung si Camille na ba ang kapalit ni Pokwang?
Sagot ni direk Louie, “Wala pa siyang kapalit, Kuya Jun. Guest co-host muna si Camille.”
Maliwanag? Buy muna kayo ng food business ni Mamang para hindi ninyo siya ma-miss!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com